Inirekomendang alisin bilang military reservist si Cavite 4th District Rep. Francisco “Kiko” Barzaga
Ito ang kinumpirma ni Philippine Army Spokesperson Col. Louie Dema-ala matapos ang imbestigasyong isinagawa ng Army Reserve command.
Ito ay may kaugnayan sa social media posts ni Barzaga na humihikayat sa mga unipormadong kumilos laban sa pamahalaan. Partikular na mensahe ng kongresista sa mga tauhan ng AFP at PNP na sumama sa nagdaang rally noong Setyembre 21.
Sa isinagawang press briefing naman sa Kampo Aguinaldo nitong Martes, una nang iginiit ni Dema-ala na bawal sa isang aktibong reservist ang sumama man lamang sa rally, o ang gamitin ang imahen ng AFP para sa pansarili o pampulitikang agenda.
Nakasaad ito sa GHQ standard operating procedure No. 07 na nilabag ng kongresista at kabilang sa mga sanction sa mga ito ang “delisting”, bagay na kahaharapin ngayon ni Barzaga na kae-enlist lamang nitong Enero 2025. (Edwin Balasa)
The post Barzaga pinasisipa sa reserve force ng Army first appeared on Tonite - Abante.
For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.
0 Comments