Garma pinatutugis ng PNP

Nagtatag ang Philippine National Police (PNP) ng tracker team para maihain na ang arrest warrant na inilabas ng Mandaluyong Regional Trial Court laban kay dating PCSO General Manager Royina Garma at iba pang apat na indibidwal.

Ang kaso ay may kaugnayan sa pamamaslang kay Retired Police General at PCSO Board Member Warren Barayuga noong 2020.

Ayon kay CIDG National Capital Region chief PLtCol. John Guiagui, mas mapapadali ang paghahanap sa mga akusado kung mayroong tracker team na nakatutok sa kanila.

Katunayan, dagdag pa ni Guiagui, sa ngayon ay mayroon na umano silang natatanggap na mga impormasyon hinggil sa kinaroroonan ng mga akusado subalit tumanggi muna siyang isiwalat ito sa media dahil sa patuloy ang ginagawa nilang beripikasyon.

Aminado naman ang CIDG na pahirapan ang pagdakip sa mga akusado dahil ang mga ito ay pawang mga opisyal ng pulis at alam kung paano magtrabaho ang kanilang mga kabaro.

Bukod kay Garma, ilan pa sa akusado sina dating Napolcom Commissioner Edilberto del Cruz, Leonardo Jeremy Zapata alyas Toks, PLtCol. Santie Fuentes Mendoza at Nelson Enriquez Mariano.

Matatandaan na si Garma ay bumalik sa Pilipinas matapos mabigong makakuha ng political asylum sa Estados Unidos. Gayunman, nagtungo naman ito sa Malaysia para umano kausapin ang kinatawan ng prosekusyon upang maging testigo sa kasong crimes against humanity laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court (ICC). (Edwin Balasa)

The post Garma pinatutugis ng PNP first appeared on Tonite - Abante.



For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.

Post a Comment

0 Comments