Hinimok ng isang kongresista na itigil ng National Irrigation Administration (NIA) ang P450 milyong subscription sa isang Amerikanong kompanya na nagbibigay ng weather forecasts at iba pang scientific models.
Ayon kay APEC Party-list Rep. Sergio Dagooc, mas makabubuti kung ilaan na lamang ang pondo sa pagpapagawa at pagkukumpuni ng mga irigasyon sa bansa.
Sa plenary debate ng Kamara de Represen¬tantes sa panukalang budget ng NIA para sa 2026, ipinaliwanag ni Isabela 4th District Rep. Joseph Tan bilang budget sponsor na ang P450 milyon ay para sa kontrata sa Tomorrow.io, isang US-based na kompanya na gumagamit ng “advanced AI at satellite technology” para sa weather prediction.
Layunin umano ng subscription na magsagawa ng mga siyen-tipikong pag-aaral, kabilang ang feasibility studies, risk assessment, hydrological modeling, climate-resilient planning, at rainfall forecasts hanggang 14 na araw sa hinaharap.
Para kay Dagooc, mataas ang halaga dahil taunang subscription lamang ito, samantalang may mga lokal na ahensiya tulad ng Pagasa na maaaring magbigay ng parehong serbisyo sa mas mababang gastos o libre pa. Aniya, mas katanggap-tanggap sana kung ito ay one-time payment na may multi-year access sa serbisyo ng kompanya.
Samantala, nakaamba ang pagbaba ng budget ng NIA sa 2026, mula P77.75 bilyon noong 2024 at P69.36 bilyon noong 2025, patungo sa P45.06 bilyon sa susunod na taon. (Angelika Cabral)
The post NIA binoldyak sa P450M US weather firm deal first appeared on Tonite - Abante.
For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.
0 Comments