Binigyan ng makabuluhang send-off party ng Philippine National Anti-Doping Organization (PHI-NADO) ang Team Philippines sa pamamagitan ng isang Anti-Doping Education Seminar noong Setyembre 30 sa Diamond Hotel sa Maynila.
Sa temang “Malinis na Palakasan, Maliwanag na Kinabukasan: Pagbuo ng mga Kampeong Pilipino na May Integridad,” ang kaganapan ang nagbigay-inspirasyon sa mga batang atleta na yakapin ang patas na paglalaro at sportsmanship patungo sa pagsabak sa 3rd Asian Youth Games sa Bahrain sa Oktubre 22-31.
Mahigit 200 atleta, coach, at opisyal ang sumali sa sesyon nang personal at online, at natutong panindigan ang mga prinsipyo ng malinis na kompetisyon habang kumakatawan para sa bansa.
Nagpugay sa mga kalahok at hinikayat ni Philippine Sports Commission Commissioner Olivia “Bong” Garcia, nagsasalita sa ngalan ni Chairman John Patrick Gregorio, ang lahat na isabuhay ang mga kahalagahan ng integridad at disiplina.
Si PHI-NADO head Dr. Alejandro Pineda Jr. ang isa mga delegado na nagkaloob ng mga pangunahing kaalaman sa anti-doping sa mga manlalaro.
Kasama sa seminar ang live na demonstrasyon ng proseso sa doping control na isinagawa nina Doping Control Officers Nathan Vasquez at Alethea Laquindanum.
Ipinakita ni Dr. Marion Rivera ang Prohibited List ng World Anti-Doping Agency (WADA) at ang mga Therapeutic Use Exemption, na sinundan ng isang nakakatuwang sesyon ng mga tanong at sagot.
Bilang karagdagan sa inspirasyon, ibinahagi nina Philippine Olympic Committee Athletes Commission chairman Jessie King Lacuna at world jiujitsu champion Margarita “Meggie” Ochoa ang kanilang mga personal na karanasan sa isang panel discussion sa “The Athlete’s Code: Principles of Strict Liability, Rights, and Responsibilities of Athletes.”
Nakiisa rin ang mga atleta sa mga interactive na talakayan sa pinamagatang “Bakit Kailangang Makipagkumpitensya nang Malinis? Pagbuo ng Kulturang Malinis sa Palakasan,” na naglalahad ng kanilang mga pangako na panatilihin ang katapatan, disiplina, at integridad.
Natapos ang programa sa pagbibigay ng mga sertipiko sa mga kalahok atsa pananalitang pangwakas kay Dr. Pineda, niniit niya pangako ng PHI-NADO na linangin ang kultura ng malinis na sports sa bansa.
Sa integridad bilang kanilang pundasyon, handa ang Team Philippines na sumikat sa pandaigdigang entablado sa Bahrain. Maglaro nang tapat. Maglaro nang malinis. Maglaro nang patas. (Abante Tonite Sports)
The post 200 atleta sumailalim sa anti-doping seminar first appeared on Tonite - Abante.
For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.
0 Comments