Digong 24/7 may kontak kay VP Sara – Trillanes

Ibinunyag ni dating Senador Antonio Trillanes IV na mayroong 24/7 access sa telepono si dating Pangulong Rodrigo Duterte at may kakayahang makipag-ugnayan sa kanyang anak na si Vice President Sara Duterte anumang oras kahit nasa detention facility ng International Criminal Court sa The Hague, Netherlands.

Kasabay nito, muling itinanggi ni Trillanes ang alegasyon na bumisita siya sa dating pangulo.

Ayon kay Trillanes, walang katotohanan ang pahayag ni Davao City Rep. Paolo Duterte na ipinadala siya ng gobyerno ng Pilipinas upang magsagawa ng “welfare check” sa dating pangulo.

“Hindi po ako bumisita kay Duterte. Napakadali ho niyang malaman `yan kasi nai-discuss ho sa amin ng ICC ang mga polisiya dun sa ICC detention center,” pahayag ni Trillanes sa isang panayam sa radyo nitong Biyernes, Oktubre 3.

Ipinunto rin ng dating senador na kahit anon goras maaaring makipag-ugnayan ang dating pangulo kay VP Sara.

“Buong araw, buong gabi kaya niyang tawagan si Sara. Kung mayroong mga pangyayari doon na hindi niya gusto, nasasabi niya agad. Kaya itong sinasabi ni Sara sa publiko, ito ay pinabulaanan na,” ani Trillanes.

Tinawag din niyang sinungaling ang magkakapatid na Duterte dahil hindi umano totoo na nawalan ng malay ang dating pangulo habang nasa kustodiya ng ICC.

Ibinahagi rin niya ang ilang detalye sa kondisyon ng pasilidad kung saan nakakulong si Duterte.

Ayon sa kanya, mayroong sariling kuwarto ang mga detainee na may sukat na 10 square meters, may sariling banyo at may access sa common areas gaya ng kusina, recreational area at iba pa.

“Hindi po totoo ‘yun kasi nu’ng dini-discuss sa amin ‘yung kalakaran du’n sa detention center, mayroong medical team mismo sa loob ng detention center. Anim lang sila na nakadetine doon. Hindi po `yan mga selda. Parang bahay kasi ‘yung kuwarto niya 10 square meters. Mayroong banyo. May common area sila, recreational area, kusina… maluwag ‘yung kanilang lugar doon. Anim lang silang binabantayan. Nakatutok sa kanila sa pag-alaga sa kanila ‘yung ICC,” wika ni Trillanes. (Issa Santiago)

The post Digong 24/7 may kontak kay VP Sara – Trillanes first appeared on Tonite - Abante.



For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.

Post a Comment

0 Comments