Agri chief Francisco Tiu Laurel tagilid sa taripa ng bigas

Nagbabanta ang mahigit 2.5 milyong magsasaka ng kilos-protesta sa mga susunod na linggo dahil sa pagbabalewala umano ng Department of Agriculture (DA) sa kanilang petisyon para sa safeguard duties o karagdagang taripa sa imported rice.

Bukod sa taripa, binatikos din ng Federation of Free Farmers (FFF) ang paglabag umano ng Bureau of Customs (BoC) sa rice importation matapos nitong payagang makapasok sa bansa ang mahigit 340,000 toneladang bigas sa kabila ng import ban ni inutos ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Ayon sa FFF, pinag-iisipan nilang sampahan ng kaso si Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. dahil sa paglabag sa Safeguard Measures Act.

Bunsod umano ito ng kabiguan ni Laurel na desisyunan ang kanilang petisyon para sa karagdagang buwis sa imported rice sa loob ng limang araw na itinakda ng batas. Inihain ang petisyon noong Setyembre 29 at dapat ay naaksyunan nitong Biyernes, Oktubre 3.

Kinondena ni FFF Chairman Leonardo Montemayor, dati ring kalihim ng DA, ang pamahalaan sa pagbabalewala sa opisyal na datos na nagpapakita na ang mga polisiya nito, lalo na ang pagbaba ng taripa sa bigas, ay hindi naman nakakabawas ng presyo para sa mga mamimili at inilugmok pa ang mga magsasaka sa hirap dahil sumadsad ang presyo ng palay sa farmgate na mas mababa pa sa halaga ng produksyon.

Nais din ng FFF na panagutin ang BOC dahil sa nakalusot umano na mahigit 315,000 toneladang bigas noong Setyembre 1, kahit pa may import ban sa ilalim ng Executive Order No. 93.

Batay sa mga rekord ng BoC, sinabi ng FFF na kabuuang 340,216 toneladang bigas ang pumasok sa bansa noong Setyembre, at higit 315,000 tonelada rito ang dumating noong Setyembre 1 pa lang.

Sabi ng FFF, puwedeng managot sa kasong kriminal ang BoC sa pagpapalusot ng shipment ng bigas habang may import ban. (Eileen Mencias)

The post Agri chief Francisco Tiu Laurel tagilid sa taripa ng bigas first appeared on Tonite - Abante.



For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.

Post a Comment

0 Comments