Kongreso nasusunog sa korapsiyon – Cong Edgar Erice

Inakusahan ni Senior Deputy Minority Leader at Caloocan City Rep. Edgar Erice ang 19th Congress na malaki ang pananagutan sa lipat-pondo ng mga flagship project ng iba’t ibang ahensiya ng gobyerno na naging dahilan kung bakit “naglalagablab” ang galit ng mamamayan dahil sa katiwalian.

“Mr. Speaker, dear colleagues – nasusunog po ang ating bahay! This House is on fire. At ang masakit na katotohanan: Tayo mismo ang nagsindi ng apoy na ito. Noong mga nakaraang Kongreso, may mga apoy na. Ngunit sa 19th Congress — sadyang pinasiklab ang dambuhalang sunog. At ngayon, naglalagablab na rin ang galit ng sambayanan — lalo na ng kabataan. Pakiramdam nila — sinusunog na ang kanilang kinabukasan,” bahagi ng privilege speech ni Erice nitong Lunes, Oktubre 6.

Inihayag ni Erice na hindi na puwedeng idahilan na politika lang ang isyu ng korapsiyon sa bansa.

Kinalampag niya ang mga kapwa kongresista na linisin na ang kanilang hanay.

“Hindi na puwedeng sabihing gawa lang ito ng DDS, Kaliwa, Dilawan, o Pinklawan. Hindi na puwedeng isisi lang sa DPWH, sa nakaraang administrasyon, o sa mga kontratista,” ani Erice.

“Sapagkat ang pinakamalaking korapsiyon na ito ay nagsimula sa ating sariling tahanan — sa 19th Congress. Hindi po ako narito para humusga o manisi ng sinuman. Bagkus, nais kong kumatok sa inyong mga puso at konsensya — baka naman sobra na talaga,” saad niya.

Dagdag niya, bagama’t maaaring nagsimula ang insertions at diversions noong nakaraang administrasyon ngunit ang korapsiyon na pinakawalan ng 19th Congress ay napakalaki at hindi masukat ang lawak.

“Ang mga insertions at diversions na ginawa ng ika-19 na Kongreso ay walang kapantay sa kasaysayan,” ayon kay Erice. (Issa Santiago)

The post Kongreso nasusunog sa korapsiyon – Cong Edgar Erice first appeared on Tonite - Abante.



For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.

Post a Comment

0 Comments