Mga laro ngayon
(Dasmariñas Arena)
4 pm – Chery Tiggo vs ZUS Coffee
6:30 pm – Akari vs Creamline
Sa pagtatakda ni Eli Rousseaux ng maagang pamantayan, tumataas ang presyon para sa iba pang mga bagong import sa 8th Premier Volleyball League Reinforced Conference na pantayan, kung hindi man lampasan, ang paputok niyang 38-points sa Farm Fresh noong Huwebes.
Ang nakamamanghang debut ng Belgium national team standout hindi lang nagbigay-lakas sa Foxies kundi nagpadala rin ng malinaw na mensahe: bukas na bukas ang labanan para sa korona at napakakompetitibo ang third at season-ending conference ng liga na inoorganisa ng Sports Vision Management Group, Inc.
Magpapatuloy ang mga aksiyon ngayong araw (Sabado) sa Dasmariñas Arena sa Cavite, kung saan atat ang isa pang grupo o apat na import na mga magmarka. Si Yunieska Batista, ang Cuban ace ng Chery Tiggo, at si Anna DeBeer ng ZUS Coffee ang magiging sentro ng atensyon sa alas-4:00 nang hapon.
Parehong umaasang magbigay ng maagang kalamangan sa kanilang mga koponan ang dalawa sa isang kumperensya kung saan walang koponang tila hindi kayang talunin.
Rarampa naman sa alas-6:30 nang gabi, sina Courtney Schwan ng Creamline at Annie Mitchem ng Akari na puntirya rin ang mga bonggang simula – isang larong inaasahang tutugma o lalampas pa sa tindi ng mga laban sa uang araw ng torneo.
Walang sinayang na oras ang dalawang beses na kampeong Petro Gazz sa pagpapakita ng hangarin uli sa titulo, nilampasan ang Galeries Tower sa nakakakumbinsing paraan sa likod ng malakas na paglalaro ng nagbabalik na si Lindsey Vander Weide.
Pero ang nakakakilabot na pagganap ni Rousseaux sa lahat ng aspeto sa huling laro ng gabi – puno ng malalakas na hit, magagandang shot, at walang tigil na lakas – ang naging batayan at pinag-usapan bago magtapos ang linggo.
Ang pagganap na iyon ang nagtaas ng antas para sa iba pang mga import, lalo na sina DeBeer at Mitchem, na naantala ang pag-debut sa PVL dahil sa mga pending na International Transfer Certificates (ITCs). Ang orihinal na nakatakdang laban noong nakaraang Martes, na naging girian ng mga Pilipino lang dahil sa pagkakabalam, ay iniutos na muling laruin ng Sports Vision kasunod ng pag-uusap sa mga kasangkot na koponan.
Ngayong nalutas na ang lahat ng isyu sa ITC, handa nang magpatakbo nang buong bilis ang Reinforced Conference, na sinusuportahan ng ICTSI, Milcu, Mikasa, at Fabriano.
Ang nagpapaganda sa edisyong ito ng Reinforced Conference ay ang ganap na pagkakapantay-pantay. Hindi tulad ng mga nakaraang season kung saan isa o dalawang koponan ang malinaw na paborito, ang kasalukuyang sitwasyon ay puno ng kawalan ng katiyakan. Ang mga koponan ay may iba’t ibang uri ng mga import – ang ilan ay may mga parangal sa internasyonal, ang iba naman ay hindi pa napatutunayan ngunit puno ng potensyal – at may malalim na grupo ng mga lokal na talento na sabik din na magpakitang gilas.
Inaasahang hindi lang labanan ng mga import ang duwelo nina Batista at DeBeer sa unang laro. Ang Chery Tiggo ay aasa sa isang matatag na lokal na grupo na pamumunuan nina Ara Galang, Cess Robles, Renee Peñafiel, Shaya Adorador, Imee Hernandez, Seth Rodriguez, at nang nagbabalik na si Mylene Paat.
Sa kabilang banda, sinasagot ng ZUS Coffee ang pagtaas ng grupo ng mga talento kabilang sina Riza Nogales, Chinnie Arroyo, Fiola Ceballos, Jovelyn Gonzaga, AC Miner, Kate Santiago, Mycah Go, at ang pambansang manlalarong si Thea Gagate.
Ang pangunahing kaganapan ay nangangako ng paputok bilang pagtatangka ng mga nagtatanggol na kampeon, ang Cool Smashers, na mapanatili ang kanilang trono. Sa pag-asang magdadagdag ng lakas si Courtney Schwan, tampok din ang mga paborito ng mga manonood na sina Michele Gumabao, Alyssa Valdez, Jema Galanza, at ang nagbabalik na si Tots Carlos, na pinayagan nang maglaro matapos ang pinsala sa tuhod.
Pero hindi susuko ang Akari. Pamumunuan ni Mitchem, ang Chargers na isang gutom na koponang kinabibilangan nina Ivy Lacsina, Grethcel Soltones, Eli Soyud, Chenie Tagaod, Camille Victoria, Ced Domingo, at Fifi Sharma – lahat ay handang hamunin ang defending champs.
Ang pangako ng pagkakapantay-pantay ang nagpapataas ng antas ng panganib. Dahil karamihan sa mga koponan ay may kaunting oras lamang upang isama ang kanilang mga bagong manlalaro, ang samahan ay nananatiling isang patuloy na proseso. Bawat laban ay nagiging posibleng pagkabigla. Bawat manlalaro, import man o lokal, magiging posibleng game-changer.
Ang kawalan ng katiyakan ay lumilikha ng tunay na kapanabikan. Walang tiyak na iskrip. Walang koponan ang ligtas. At iyan mismo ang maaaring maging dahilan upang ang komperensyang ito ang pinakakompetitibo – at pinakakapana-panabik – sa lahat. (Abante Tonite Sports)
The post Anna DeBeer, 3 pa tatasahan na sa Reinforced Conference first appeared on Tonite - Abante.
For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.
0 Comments