Survey: Maraming dismayado sa trabaho ng gabinete ni Marcos

Tumaas ang bilang ng mga Pilipino na nagsasabing hindi sila kuntento sa trabaho ng mga miyembro ng gabinete ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Mula sa 41% umakyat ang disapproval rating ng mga miyembro ng gabinete na naitala sa 47%, ayon sa pinakabagong survey ng Publicus Asia Inc.

Naitala ang pinakamalaking pagtaas ng disapproval rating sa National Capital Region o Metro Manila na mula 43% ay naging 48%; North-Central Luzon n amula 35% tungong 41%); South Luzon mula 36% tungong 46%; at Visayas mula 41% tungong 49%.

Samantala, mula sa 31% ay bumaba naman sa 27% ang kabuuang performance rating ng gabinete ni Pangulong Marcos.

Ang naturang survey ng Publicus Asia ay isinagawa mula Setyembre 27–30 para sa ikatlong quarter ng taong 2025. Mayroon itong 1,500 respondent na mga rehistradong botante. (Angelica Mallilin)

The post Survey: Maraming dismayado sa trabaho ng gabinete ni Marcos first appeared on Tonite - Abante.



For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.

Post a Comment

0 Comments