Clyde Mondilla, Reymon Jaraula may bentahe sa ICTSI Del Monte

Higit pa ang pamilyar sa masisikip at may mga puno sa gilid na fairways ng Del Monte Golf Club sa Bukidnon ang kailangan nina Clyde Mondilla at Reymon Jaraula upang muling dominahin ang ICTSI Del Monte Championship.

Nagtapos ang mga pambansang kampeon sa unang dalawang puwesto nang huling beses bumisita ang Philippine Golf Tour sa tuktok ng bundok na ito noong 2023. Gayunpaman, patungo sa P3.5 milyong kaganapan, na papailanlang ngayong araw (Martes), pareho silang nagpapalamig ng kanilang mga inaasahan sa pamamagitan ng paghahalo ng pag-iingat, kumpiyansa, at gutom sa kompetisyon

“Komportable ako sa home course ko dahil madalas ko itong nilalaro, pero hindi ko ito binabalewala,” lahad nitong Lunes ni Mondilla, na nagpakita ng kapanapanabik na pagbawi dalawang taon na ang nakalipas sa pamamagitan ng dalawang eagle sa Unang Araw at tatlong birdie sa huling round para talunin si Jaraula ng isa.

Ngayong naghahangad na ipagtanggol ang kanyang korona, alam ng dating kampeon ng Philippine Open na ang kabatiran sa kurso ay bahagi lang ng equation.

Iba pa rin ang bawat round. May mga bago kang matututunan,” dagdag niya. Kaya palagi kong sinusubukang mag-focus, laruin lang ang laro ko, at igalang ang kurso.”

Habang sistematiko ang paglapit ni Mondilla, tahimik at tiwala sa sarili ang pagpasok ni Jaraula, sabik na baguhin ang takbo ng laban.

“Kumpiyansa ako dahil pamilyar na ako sa kurso at sana, magamit ko ang aking bentahe,” sabi ng tatlong beses na nagwagi sa PGT, na ang lokal na pinagmulan ay nananatiling malakas na motibasyonal na sasandalan.

Pareho silang sabik na magpakita sa kanilang sariling bayan, lalo na matapos ang magkaibang resulta sa nakaraang PGT leg sa Marapara – si Mondilla na nagpakita ng huling pagbangon para makatabla sa ikalawang puwesto at si Jaraula na nakuntento sa pagbabahagi ng ika-18 puwesto.

Pero kahit na malalim ang kanilang kaalaman sa Del Monte, ang larangan ay hindi mahuhulaan.

Babalik ang beteranong si Francisco “Frankie” Miñoza, isang buhay na alamat at sagisag ng Del Monte, sa aksyon matapos ang mahabang pahinga. kahit bihasa sa bawat pulgadang bahagi ng kurso, naiintindihan din niya na ang tagumpay ngayon ay nakasalalay na rin sa porma at lakas ng isip gaya ng sa pagiging pamilyar.

Ang paghamon sa mga katutubong talento ay isang napakahirap na larangan na kinabibilangan ng mga mainit na kalaban, mga pinalamutianang kampeon, mga sumisikat na bituin, at isang alon ng mga banyagang banta – lahat ay may isang layunin: ang titulo.

Mangunguna sa pag-atake si Keanu Jahns, na nakapagtala ng kahanga-hangang pagtakbo sa PGT – dalawang beses nanalo at dalawang beses naging runner-up sa anim na pagsisimula. Nabigo mang magkampeon tatlong sunod-sunod na pagkakataon dahil kay Rupert Zaragosa sa Marapara, nananatiling malaking banta ang malakas pumalong Fil-German.

“Pareho lang sa dati, isa-isang tira at susundin ko ang aking nakagawian,” sabi ni Jahns tungkol sa kanyang game plan. “Ang mas masikip na layout ng Del Monte ay maaaring paboran ang katumpakan kaysa sa haba, kaya mag-a-adapt ako nang naaayon sa practice round.”

Si Zaragosa, ang tuso at tiwalang shotmaker na mas lalong nagiging magaling sa mga kursong may mga puno sa gilid, ang isa pang manlalarong dapat abangan. Kakatapos lang ng isang malaking panalo sa Marapara, nakikita niya ang pagkakatulad sa setup ng Del Monte – isang senaryong umaasa siyang mapagsasamantalahan.

“Kasi mahilig ako at bagay ang laro ko sa mga kurso na may mga puno sa gilid,” sabi ni Zaragosa. “Para muling manalo, kailangan kong manatiling tapat sa aking proseso, magtiwala sa aking mga likas na kakayahan, at susunod ang mga resulta.”

Ang mga betera ring sina Tony Lascuña at Jhonnel Ababa, parehong sabik na makabalik sa kanilang pinakamagandang laro bago ang huling dalawang yugto ng P10.5 milyong Mindanao swing sa Davao, handa ring sumabak. Ang mga nanalo sa Forest Hills na sina Guido Van Der Valk, Zanieboy Gialon, Michael Bibat, Ira Alido, at Nilo Salahog ang bumubuo sa isang malakas na lokal na grupo.

Ang mga batang manlalarong na sina Ryan Monsalve, Russell Bautista, Kristoffer Arevalo, Elee Bisera, at John Michael Uy, naghahanap din ng tagumpay – bawat isa ay sabik na magpakita ng magandang pagganap sa isang malaking entablado.

Ang hamong dayuhan ay pantay-pantay din ang lakas. Ang Amerikanong si Collin Wheeler at ang malakas na Korean contingent – Jisung Cheon, Tae Soo Kim, Jaehyun Jung, Taewon Ha – kasama ang Japanese standout na si Atsushi Ueda – ay handang-handa na guluhin ang pagbabalik-bayan ng mga lokal.

Sa dami ng manlalarong nasa pinakamagandang kondisyon at sa pagtaas ng pusta habang papalapit ang pagtatapos ng season, ang kampeonat ona inorganisa ng Pilipinas Golf Tournaments, Inc. ang nagiging isa sa pinakamahirap hulaan na laban.

Ang lokal na kaalaman ay maaaring maging isang sandata, pero laban sa isang larangan na kasing lalim at kumpetitibo nito, isa lang ito sa maraming kailangan upang manalo. (Ramil Cruz)

The post Clyde Mondilla, Reymon Jaraula may bentahe sa ICTSI Del Monte first appeared on Tonite - Abante.



For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.

Post a Comment

0 Comments