Walang ‘multong proyekto’ sa distrito ko – Arjo Atayde

Nanindigan si Quezon City 1st District Rep. Juan Carlos “Arjo” Atayde na walang “ghost project” sa kanyang distrito.

Ito ang tinuran ni Atayde, matapos personal na bisitahin noong Martes ang pitong flood control/drainage projects sa Brgy. Bahay Toro, Del Monte, Project 6 at San Antonio.

“Walang ‘ghost pro¬jects’ sa atin. ‘Walang multo’ sa Distrito Uno,” wika ni Atayde. “Wala pong basehan ang mga sinasabi na ‘nonexistent’ ang mga ito.”

“Baka kailangan lang nang maayos na coordination para sigurado ang impormasyon hinggil sa mga proyektong ito. To see is to believe,” dagdag pa nito.

Ang ginawang pag-iikot ni Atayde sa kanyang nasasakupan ay tumutugma sa naunang ulat ng Department of Public Works and Highways (DPWH) Quezon City 1st District Engineering Office.

Bilang sagot sa tanong ng mambabatas, sinabi ng DPWH sa isang liham noong Setyembre 19 na ang pitong proyekto ay “verifiable” at makikita sa mga lugar kung saan itinayo ang mga ito.

Nilinaw rin ng DPWH na sa 66 na umano’y mga “ghost project” na lumabas sa media, pito sa mga ito ay nasa distrito ni Atayde.

Kumpirmado namang nakumpleto ang lima sa mga ito habang natigil ang dalawa pa dahil sa mga hindi pa naresolbang problema, kabilang ang nasuspindeng proyekto sa Mariblo Creek. Nakadokumento at mayroon ding “photographic evidence” ang lahat ng mga proyekto ng mambabatas, dagdag pa ng DPWH.

Kabilang sa mga ito ay ang apat na flood control project sa Culiat at Dario Creek sa Brgy. Bahay Toro, rehabilitasyon ng drainag¬e sa Road 3, Project 6, pagtatayo ng pumping station sa West Riverside sa Brgy. Del Monte at isa pang flood control project sa San Francisco River, Brgy. San Antonio.

Ginawa ni Atayde ang inspeksiyon upang pabulaanan ang ikinakalat ng ilang grupo na “multo” at “drawing” lang ang mga nasabing proyekto.

“Ang mga proyektong ito ay hindi ‘multo’—makikita, mahahawakan, at napapakinabangan. Mukhang napaaga ang Undas para sa ibang tao,” buwelta pa ni Atayde. “Sana po bago magbintang, bago magturo, sana i-verify naman nila ang info nila.”

The post Walang ‘multong proyekto’ sa distrito ko – Arjo Atayde first appeared on Tonite - Abante.



For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.

Post a Comment

0 Comments