Tito Sotto inabisuhan ng Ombudsman sa dismissal order ng pork barrel case kay Joel Villanueva

Pormal na inabisuhan ang Senado sa desisyon ng Office of the Ombudsman na binaliktad ang dismissal order laban kay Senador Joel Villanueva kaugnay ng kaso nito sa pork barrel scam.

Base sa ulat ng Abogado.com.ph, bagama’t tila hindi inanunsiyo sa media ang dismissal order ni Ombudsman Samuel Martires, ipinabatid naman ito sa tanggapan ni Senate President Vicente Sotto III para sa kanyang impormasyon at gabay.

Nilagdaan umano ni Assistant Ombudsman Jose Balmeo Jr. ang endorsement noong Setyembre 16, 2019 na nagsasaad ng pagbasura sa kaso laban kay Villanueva sa pork barrel scam. Inaprubahan naman ito noong Setyembre 13, 2019.

Kinumpirma nitong isang araw lang ni Martires ang pag-apruba niya sa motion for reconsideration na inihain ni Villanueva at binaliktad ang desisyon ni dating Ombudsman Conchita Carpio Morales noong 2016 na ipinag-utos na sibakin sa puwesto si Villanueva.

Sa desisyon ni Morales, napatunayan umanong guilty si Villanueva sa mga kasong grave misconduct, serious dishonesty, at conduct prejudicial to the interest of the service dahil sa anomalya umano sa pagpapalabas ng kanyang Priority Development Assistance Fund (PDAF) sa kahina-hinalang non-government organization.

Gayunpaman, kahit may endorsement na sa Senado, hindi naman isinapubliko ang pagbaliktad ng Ombudsman sa nauna nitong desisyon laban kay Villanueva.

Base rin sa online check, walang lumabas na balita noong 2019 na nagsasaad ng dismissal order sa kas oni Villanueva.

Tinawag ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla na “secret” ang dismissal order ni Martires kahit pa isyu ang transparency sa nasabing kaso dahil may interes ang publiko sa kaso ni Villanueva na isang halal na opisyal ng gobyerno.

Nabuksan ang isyu sa pork barrel scam case laban kay Villanueva matapos ipahayag ni Remulla ang kanyang plano na ipatupad ang dismissal order ng Ombudsman laban sa senador.

The post Tito Sotto inabisuhan ng Ombudsman sa dismissal order ng pork barrel case kay Joel Villanueva first appeared on Tonite - Abante.



For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.

Post a Comment

0 Comments