Alas Men pukpok sa training, Women’s hindi buo sa ensayo

Dumating ang Alas Pilipinas men’s team sa Taiwan noong Linggo ng tanghali para sa dalawang linggong training camp bilang paghahanda sa 33rd Southeast Asian Games sa Thailand.

Sa kabaligtaran, ang buong Alas Pilipinas women’s squad ay hindi pa nakakapagsanay nang magkasama, tatlong linggo na lang bago ang SEA Games.

Ang parehong koponan ng Alas men na gumawa ng kasaysayan sa FIVB Volleyball Men’s World Championship noong Setyembre nagti-training camp sa Kaohsiung na may anim na friendly match sa malalakas na koponan ng Taiwan.

“Maghahanda kaming mabuti para sa SEA Games at kailangan talaga naming magsanay nang magkasama dahil matagal din kaming nagpahinga,” pahayag nitong Linggo ni Marck Espejo na malaki ang kontribusyon sa PH 6 kung saan lumagak sa ika-19 na puwesto sa 32 koponang World Meet.

Hindi lubos na natuloy ang training camp para sa koponan ng Alas Pilipinas dahil tanging sina Team captain Jia De Guzman, Eya Laure, Vanessa Gandler, Dawn Macandili-Catindig, at Jen Nierva lang ang masigasig na dumadalo sa pagsasanay sa ilalim ng Brazilian coach Jorge Edson Souza De Brito sa Gameville sa Mandaluyong.

Umaasa ang Philippine National Volleyball Federation (PNVF) na magkaroon ng hindi bababa sa tatlong linggong pagsasanay para sa 20-miyembrong grupo mula sa propesyonal na liga ng kababaihan at mga nangungunang paaralan sa kolehiyo, pero kailangan pa rin ng mga komersyal na club na tumugon sa panawagan.

Ayon sa Philippine National Volleyball Federation, kabilang din sa koponan ng mga lalaki na sinasanay ng Italian coach na si Angiolino Frigoni sina Owa Retamar, Leo Ordiales, Josh Ybañez, Kim Malabunga, Peng Taguibolos, Louie Ramirez, Lloyd Josafat, Buds Buddin, Vince Lorenzo, Eco Adajar, at Jade Disquitado.

Ayon kay Ramon “Tats” Suzara, pangulo ng PNVF, kabilang din sa koponan ang dalawang batang manlalaro mula sa University of Santo Tomas – sina Al-Bukarie Sali at JJ Macam – at si Lucca Mamone.

“Sobrang saya ko at nagpapasalamat sa pagkakataong ito. Dati pinapangarap ko lang na maging bahagi ng Alas, at ngayon natupad na rin,” sabi ni Sali, isang 6-foot-5 na opposite spiker. “Talagang nasasabik ako dahil sumasali ako sa kanilang pagsasanay noon. Napakataas ng intensity at malaking tulong ito sa akin.”

Nananatili sa Japan si Team Captain Bryan Bagunas kung saan naglalaro para sa Osaka Bluteon sa kasalukuyang SV.League.

May espesyal na lugar ang Taiwan sa paglalakbay ni Bagunas sa ibang bansa – siya ang pinangalanang MVP ng Top Volleyball League noong 2023, na nanguna sa WinStreak para sa back-to-back championships sa parehong taon at sa 2023-24 season.

Huling nakarating sa podium ng SEA Games ang Pilipinas noong 2019, nang ang bansa ang mag-host ng ika-30 edisyon, kung saan nagkamit ng pilak ang koponan ng kalalakihan matapos ang huling laban kontra Indonesia.

Si Bagunas, Espejo, Malabunga, at Retamar ang mga pangunahing tauhan sa pagtakbong iyon.

Mula noon, nagtapos ang Alas sa ikalima sa Hanoi at Phnom Penh Games habang patuloy na hinahabol ng bansa ang unang gintong medalya, kung saan ang pinakamagandang resulta ng programa hanggang ngayon ay dalawang pilak na medalya – kabilang ang pagpasok sa finals noong 1977- at limang bronze finish. (Abante Tonite Sports)

The post Alas Men pukpok sa training, Women’s hindi buo sa ensayo first appeared on Tonite - Abante.



For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.

Post a Comment

0 Comments