Azeneth Serat tinibag 16 taon rekord sa 5,000m walkathon

Binuksan ng University of Santo Tomas ang kampanya sa 88th UAAP Collegiate Athletics Championships sa kahanga-hangang paraan, nanguna sa parehong dibisyon ng kalalakihan at kababaihan nitong Huwebes sa New Clark City Athletics Stadium.

Kuminang sa USTe si Azeneth Serat na sinikwat ang gold sa torneo na mga suportado ng Masiv Sports at CF Moto.

Matagumpay na ipinagtanggol ng 21-taong-gulang na tubong Bukidnon ang titulo sa women’s racewalking 5,000-meter sa 26:04.63 clocking, sinira ang 16-taong-gulang na rekord ni Florida Gonzales ng Far Eastern University na 27:27.73.

Sinalya niya sa silver at bronze sina Juliana Talaro (27:44.80) at Julianne Bayola (29:21.33) ng University of the Philippines.

“Actually, ang target ko po national record. Kaya lang, parang hindi ko po kakayanin; eh sobrang init po. Kaya sabi ko po, ito na lang po munang sa UAAP,” lahad ng Fitness and Sports management third-year student.

“Masaya ako, hindi lang para sa sarili ko kundi para sa buong team at sa lahat ng sumusuporta sa akin,” dagdag ni Serat, hinirit ang pagmamalaki sa kanyang pagganap at sa malakas na simula ng UST.

Itinakbo ni 2022-23 MVP Lianne Pama ang ikalawang ginto para sa España-based squad sa women’s 100m dash sa 11.82 segundo – ang tanging sub-12 na pagganap sa final. Si Shane Ponce ng FEU (12.00) at si Annie Mercurio (12.24) ang mga nagkasya sa pilak at tanso, ayon sa pagkakasunod.

Sa panig ng mga lalaki, pinanatili ni Hokkett Delos Santos ang pagiging dominante sa pole vault, gold sa 4.50m at pangunahan ang pagwalis ng UST sa podium. Sina Mejen Sumbongan (4.30) at Sean Harry Narag (4.20) ang kumumpleto ng 1-2-3 finish sa Tiger Tracksters. (Lito Oredo)

The post Azeneth Serat tinibag 16 taon rekord sa 5,000m walkathon first appeared on Tonite - Abante.



For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.

Post a Comment

0 Comments