Jude Garcia rumaratsada kahit mahirap mga sultada

Tila makina na nagsilbing timon si Jude Garcia sa nagpalakas na Criss Cross tungo sa isa na namang perpektong kampanya sa elimination round.

Nanindigan siya sa labanan ng mga batang koponan na may matindi mga determinasyong magtagumpay, binalikat ang King Crunchers sa tatlong ragasa na nagbigay-daan sa kanilang pagwalis sa 8th Spikers’ Turf 2025 Invitational Conference elims.

Hindi maikakaila ang impluwensya ng tatlong beses na Most Valuable Player sa liga ang pananalasa ng kanyang kampo sa nakaraang lingo. Nag-average siya ng 21.7 points at 7.0 digs sa pagsipa sa dalawang koponan sa karera sa semis.

Umiskor si Garcia ng 24 at kahanga-hangang 9 digs sa kapanapanabik na five-setter, 22-25, 25-21, 25-16, 21-25, 17-15, na pagpatalsik sa kanyang alma mater Far Eastern University-DN Steel sa Finals noong Miyerkoles.

Nagtala ang 27-taong-gulang na outside hitter ng 19 pts., 6 digs nang manalo ang King Crunchers kontra nalagay sa panganib na University of Santo Tomas-Gameville, 25-22, 25-15, 25-21.

Tinapos niya ang isang magandang linggo na may 22 pts. 8 digs sa isang mahirap na 21-25, 25-23, 25-18, 25-20 win at nagpatalsik sa Alpha Insurance sa semis.

Dahil sa consistent na pagganap buong linggo, si Garcia ang kinilala nitong Lunes bilang Spikers Turf Press Corps Player of the Week na handog ng Pilipinas Live para sa Nobyembre 12-16. (Lito Oredo)

The post Jude Garcia rumaratsada kahit mahirap mga sultada first appeared on Tonite - Abante.



For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.

Post a Comment

0 Comments