Kyline Alcantara bet mayaman ang BF

Alam naman nating lahat na very open si Kyline Alcantara sa kanyang mga naging relationship in the past.Pero ngayon ay mukhang gusto na niyang iwasan ang public drama at maging private na ang kanyang lovelife.

Ano ba ang natutunan ni Kyline sa kanyang mga dating nakarelasyon?

“Just set boundaries with your partner, the public, and also with my parents, brothers. At dapat kilalanin mo rin talaga ‘yung sarili mo,” malumanay na pakli ni Kyline.

Kung magkakaroon siya ng bagong lovelife ngayon, ano ba ang hinahanap niya na maging karelasyon?

“Wala po ako sa pisikal e, sa ugali po ako. Sana mas mature, mas stable mentally, mabait, will respect my family, and will respect me not just as a woman but as a person,” pahayag pa ng aktres.

Lately ay nadidikit ang pangalan ni Kyline sa anak ng Pangulo na si Sandro Marcos, kaya natanong sa kanya kung gusto ba niya ng mayaman na magiging bagong dyowa?

“Why not? Pero siyempre hindi naman po ‘yung first thing para makipagrelasyon ako,” sambit pa ng aktres.

Samantala,maalalang pinuri ni Gloria Diaz si Kyline na isa sa may pinakamagandang mukha sa showbiz.

Nilinaw ng young actress na wala pa siyang pinapagawa o pinaplanong procedure lalo na sa kanyang cheeks, chin, o dimple.

Gayunman, hindi niya isinasara ang posibilidad sa pagpaparetoke.

“Siguro po, ‘pag kailangan ko na, lalo pa’t wala naman akong takot sa karayom,” deklara ni Kyline. (Allan Sancon)

The post Kyline Alcantara bet mayaman ang BF first appeared on Tonite - Abante.



For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.

Post a Comment

0 Comments