Muling itinulak sa Senado ang pagtatatag ng mga permanenteng evacuation center sa mga local government units (LGUs) dahil sa madalas na pagbisita ng bagyo sa Pilipinas.
“Kailangang magkaroon ng permanenteng evacuation center lalo na ang mga lugar na laging napupuruhan ng mga bagyo at iba pang kalamidad para masiguro ang kaligtasan ng ating mga kababayan,” giit ni Senador Sherwin Gatchalian matapos bisitahin ang mga pamilya sa Catanduanes na nawalan ng tirahan dahil sa mga nagdaang malalakas na bagyo.
Ito ang panawagan ng senador habang namamahagi ng P6.072 milyong halaga ng pinansiyal at pagkaing tulong sa mga komunidad sa Catanduanes na sinalanta ng mga nagdaang bagyo. Kasama niya si Valenzuela Mayor Wes Gatchalian sa paghahatid ng tulong sa mga apektadong pamilya.
Kabilang sa pinakamatinding napinsalang lugar na binisita nila ay ang Baras, kung saan libo-libo ang nawalan ng tirahan matapos manalasa ang Super Typhoon “Uwan” sa baybaying bayan at sirain ang mga bahay at kabuhayan. Naglibot din ang grupo sa Virac, Caramoan, Viga, San Andres, Bato, Gigmoto, Pandan, at San Miguel upang suriin ang pinsala at magpaabot ng suporta.
The post Panukala sa permanenteng evacuation center binuhay first appeared on Tonite - Abante.
For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.
0 Comments