Tamang Sapatos

Wala tayong tigil maglakad. Lalo na kung mangibang bansa, hindi lang dumodoble, kung hindi higit pa sa 10 beses ang daming lakarin. Ngayong maguundas, madami sa atin ang uuwi sakanikanilang mga probinsya para magbigay pugay at dasal samga yumaong kamaganakan. Ang iba naman, gagawingoportunidad makapagibang bansa at mag bakasyon. Saan man ang destinasyon, kadalasan na tanong sa atin, ay hindi lang mgapambaon na gamot, kundi, ano ang kanilang isusuot? Hanggang sa sapatos.

Kaakibat ng tamang damit, depende sa klima ng pupuntahan, ay ang tamang sapatos. Dahil sigurado ang lakarin. Ito ay ang kasalukuyang isusuot man o bibili pa lamang ng bagong pares ay may mga dapat tayong tandaan. Ang una, dapat makuha ng maayos ang sukat ng paan ang mas madaling maghanap kung bibili pa lang. siguruhin sukatin ang magkabilang paa, dahil may pagkakataon na maaaring mas malaki ang isa sa kabila. Pangalawa, kung magsusukat, unahin isukat sa mas malakingpaa. At mas maganda, pareho nang isukat ng maayos. Pangatlo, sa pagsukat, maianam na sa hapon o gabi na gawin ito. Sa maghapon na kumilos at gumalaw, mas namamaga at lumalakiang ating mga paa. Hindi tulad ng sa umaga, lalo na kung galingsa tulog I pagpapahinga ng mas maliit dahil hindi pa namamagaang mga ito. Pangapat ay talagang dapat isukat ang sapatos. Huwag umasa sa nakatakdang sukat. Hindi lamang ang laki ang tinitingnan dito. Kaya panglima ay tingnan din naman ang hugisng sapatos, baka kailangan na mas malaki o mas maliit sanakasulat na sukat ang kakailanganin. Pang anim, hindi lang ang haba ag titingnan, pati na ang lapad nito. kaya may mga letra sizing. Ang haba ay naka numero, ang lapad naman ay nakaletra at kung minsan mas malapad kung dumodoble ang letra, tulad ng dalawang D (DD) o tatlong E (EEE) pagkatapos ng numero. Pang pito, pati ang lalim ng sapatos ay dapat tingnan. Kailangan maipasok ng maayos ang mga daliri ng paa, lalo nakung may mga depormidad ang hugis ng mga ito. Tulad na lang ng hammertoes. Dahil kung hindi sukat, masikip o pwersado, maaaring magkaroon ng mga sugat o kalyo dito. Ang pang walo, pagnagsukat, siguruhing kasya ang sapatos. Huwag aasa nalalaki o mag stretch pa ito. Kung kasya ay ayos lang. kung hindi, kumuha na ng mas malaking size. Simula’t sapul ay dapat kasyaat kumportable na agad ito. Pang Siyam ay dapat mayroongsapat na lugar sad ulo ng daliri at ang sapatos. Kahit na mgakalahati ng 1 inch man lang, hindi dapat dumidikit. At ang pang sampu. Huwag lang tumayo pag nagsukat, ilakad para malamankung kumportable o hindi.

Syemore may mga sapatos na talagang gusto anuman ang korte, hugis o itsura. Maaaring mag tiis ganda. Alalahanin natin din ang suwelas nito nang hindi madulas at maaksidente. Pero kung sa panlakad, siguruhin na maayos at kumoportable ang atingmga sapatos na malayo ang ating marating na hindi nananakitang ating mga paa.

Hanggang sa susunod! Stay Healthy! Stay safe!Remain vigilant!

J. RYLAN G. FLORES, MD ay isang orthopaedic surgeon, nutrigenomics practitioner at DNA profiler, fellow ng International College of Surgeons at Philippine Academy of Medical Specialists. Siya ay matatagpuan sa De los Santos Medical Center. Speaker sa iba’t ibang talakayan (medical man at iba pa, dito at internasyonal). Sundan din ako sa Doc Rylan Facebook Live tuwing linggo ng 11am. Sundan sa twitter o X@rylanflores, gamitin ang hashtag na#docquestion at Facebook sa Doc Rylan para sa mgakomentaryo at katanungan.

The post Tamang Sapatos first appeared on Tonite - Abante.



For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.

Post a Comment

0 Comments