Handa ang kampo ng walang talong middleweight prospect na si Weljon Mindoro sa posibilidad na maging bahagi ng nationalboxing team na sasabak sa 33rd Southeast Asian Games sa Disyembre at sa 34th Summer Olympic Games 2028 sa Los Angeles.
Aminado si Mindoro, kasama ang kanyang mga handler na sina Gerry Balmes at Orly Barcelango, na ang pagiging bahagi ng pambansang koponan ay isang malaking karangalan.
Naghihintay na lang sila ng pormal na komunikasyon mula sa Association of Boxing Alliances in the Philippines at Philippine Olympic Committee upang maging opisyal ang lahat.
Sa presentasyon ng mga nagmedalya sa katatapos na 3rdAsian Youth Games sa Manama nitong Lunes, binanggit ni POC president Abraham ‘Bambol’ Tolentino ang pagsama sa 25-taong-gulang na boksingero sa listahan ng PH team.
“Wala naman kaming ihi-hindi. Sa tingin ko ngayon mas maganda kung magiging pormal na lang ang meeting diyan,” saad ni Barcelango sa Philippine Sportswriters Association Forum nitong Martes sa Rizal Memorial Sports Complex conference hall.
“So sa ngayon hindi kami mag-oo and hindi rin kami mag-hihindi. Pero kung mapag-mitingan ng maayos, wala naman problema. Hindi namin ipagdadamot si Weljon dahil isang karangalan ang makapagsilbi para sa bansa,”hirit ng handler sa talakayang mga hatid ng San Miguel Corporation, Philippine Sports Commission, POC, Milo, at 24/7 sports app sa ArenaPlus.
Tubong Zamboanga Del Sur, produkto si Mindoro ng 2016 Batang Pinoy kung saan siya nagwagi ng bronze medal sa Tagum, nag-silver naman siya sa Pangasinan 2018 Palarong Pambansa.
Ang pagiging kinatawan ng koponan ng Pilipinas sa SEA Games ay isang pangarap na matutupad para sa kanya.
“Excited ako diyan na makalaban sa SEA Games. Kung manalo ako sa SEA Games, mas maganda kung makalaban ako sa Olympics,” wika ng 5-foot-11 boxer ay nagtataglay ng 15-0-1 na may 15 Kos (win-loss-draw) at iniidolo si eight-time division champion Manny Pacquiao.
Sa ngayon, nakatakdang umalis si Mindoro at kanyang team pa-Japan para ipagpatuloy ang training camp at maghanap ng mga posibleng sparring partners na kulang sa bansa.
“Lahat ng malalaking boxers dito sa Pilipinas inubos na lahat ng Weljon,” dagdag ni Balmes. “Kaya mag-stay kami sa Japan kasi may malalaking sparring partners doon. Yan ang plano ng team.”
Dumalo rin sa Forum sina trainer Joven Jimenez at dating IBF super-flyweight champion Jerwin Ancajas para ipakita ang kanilang suporta sa paparating na Filipino fighter, na nagsilbing sparring partner ni Olympic bronze medalist Eumir Marcial sa huling laban kay Venezuelan Eddy Colmenares sa pagdiriwang ng Thrilla sa Manila 50th anniversary.
“Sakto pala na nagte-training siya kung sakali for SEA Games. Yan ang purpose namin kaya hindi puwedeng matengga lang si Weljon,” panpos na sey ni Barcelango. (Lito Oredo)
The post Weljon Mindoro bet ang Thailand SEA Games, 2028 LA Olympics first appeared on Tonite - Abante.
For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.
0 Comments