Tumiklop at parang nahiya pa si Barbie Forteza kay Judy Ann Santos nang magkita ang dalawa sa isang fun run event kahapon, December 7.
Parang na-conscious si Barbie sa presensiya ni Juday sa up close ang personal meet nila nito.
Parehong celebrity guest sa nasabing fast food chain fun run ang dalawa.
Mapapanood sa isang video post ni Juday sa kanyang IG, ang pagkikita ng dalawa.
Mapapanood si Barbie na wagas ang pagkakangiti nito nang makita si Juday.
Napadikit pa siya sa kanyang mga palad bilang pagpapakita ng respeto at appreciation nito na makaharap ang beteranong aktres.
Kumakaway si Juday sa pagkikita nila ni Barbie.
Wala pang post si Forteza kung may photo op silang dalawa ni Juday o video na nagpapakita na nagtsikahan sila saglit.
Sa IG ni Barbie, ipinakita nito ang kanyang paa na ayon sa kanya ay na-sprain sa sinalihang fun run.
Isang linggo pa lang nang maka-recover sa pilay at kahit bumagal ang perfomance nito masaya pa rin ang young actress na natapos nya ang kilometer run. (Rey Pumaloy)
The post Barbie Forteza tiklop nang makita si Juday first appeared on Tonite - Abante.
For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.
0 Comments