Delubyong-nukleyar

Sa panahon ng Kapaskuhan, muling ipinapaalala saatin ang mithiin ng kapayapaan sa buong mundo—ang pag-asa na ang bawat bansa ay magtatagposa diwa ng pagkakaisa at kabutihan. Subalit salikod ng mga ilaw at awit ng Pasko, may nakaumang na panganib: ang pagbabalik ng nuclear testing. Isang delubyong maaaringmagbura sa pangarap ng katahimikan at magtulaksa mundo sa panibagong yugto ng takot at kompetisyon ng mga sandatang nukleyar.

Kung muling isasagawa ng Estados Unidos ang pisikal na pagsabog ng mga sandatang nukleyar, tiyak na susunod ang iba pang nuclear powers, tulad ng China, Russia, North Korea, India, Pakistan at Israel.

Ang hakbang na ito ay hindi lamang pagyurak saComprehensive Nuclear-Test-Ban Treaty (CTBT) at Non-Proliferation Treaty (NPT), kundi pagbubukasng tukso para sa mga “threshold states” gaya ng Japan, South Korea, Iran at Saudi Arabia namagtayo ng sarili nilang arsenal.

Sa unang tingin, maaaring isipin ng ilan na walatayong kinalaman dahil hindi tayo nuclear power. Ngunit tayo ay nasa gitna ng Asya-Pasipiko—rehiyong pinangungunahan ng mga bansang may hawak ng sandatang nukleyar. Ang anumangeskalasyon ng tensyon ay tiyak na tatama sa atin, lalo’t nakapaloob tayo sa mga alyansa at kasunduang pangseguridad na ginagamit ng mgasuperpower para ipakita ang kanilang tinatawag na‘power projection’.

Matagal nang nakatindig ang ASEAN sa prinsipyong zone of peace, freedom, and neutrality. Dagdagpa rito ang Southeast Asia Nuclear Weapon-Free Zone Treaty (SEANWFZ) na malinaw nanagbabawal sa anumang aktibidad na may kinalaman sa nuklear sa ating rehiyon.

Ngunit paano natin mapapanindigan ang prinsipyong ito kung patuloy tayong nakikipag-ugnayan sa mga bansang may nuclear arms?

Ang ating pakikipag-ugnayan sa Estados Unidos salarangan ng depensa at ang lumalalim na tensyonsa China sa West Philippine Sea ay naglalagay saatin sa peligro. Sa oras na lumala ang nuclear brinkmanship o lumala pa ang tensiyon hindimalayong maging target o collateral damage ang ating bansa.

Ang tanong: handa ba ang pamahalaan naipaglaban ang ating posisyon bilang nuclear-free zone o patuloy tayong magpapagamit saestratehiya ng mga makapangyarihang bansa?

Ang pagbabalik ng nuclear testing ay hindi lamangteknikal na eksperimento. Ito ay malinaw napahayag ng pagbabago sa polisiya ng depensa ng Washington. Kung gagamitin ito ng Beijing upangipakita ang kanilang lakas, lalo lamang lalala ang kompetisyon sa rehiyon.

At sa gitna ng lahat ng ito, ang Pilipinas ay tilanakatali sa dalawang higante, habang ang atingsariling tinig ay halos hindi marinig. Ang tunay nahamon para sa atin ay kung paano natin mapapanindigan ang ating soberanya at ang atingpangako sa kapayapaan.

Hindi sapat na magtago sa likod ng mgakasunduan. Kailangan ng aktibong diplomasya, matatag na paninindigan at malinaw na mensahena hindi tayo papayag na maging laruan sa nuclear chessboard ng mga superpower.

Kung hindi, mananatiling hungkag na salita ang ating deklarasyon bilang nuclear-free zone—walangsaysay sa harap ng lumalakas na dagundong ng mga bomba sa ilalim ng lupa.

Ang pagbabalik sa nuclear testing ay hindi lamangusapin ng Amerika o Tsina. Ito ay usapin ng buongmundo at higit sa lahat, usapin ng atingkinabukasan bilang bansang naniniwala sakapayapaan.

Kung hindi tayo kikilos ngayon, baka bukas ay hulina ang lahat.

The post Delubyong-nukleyar first appeared on Tonite - Abante.



For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.

Post a Comment

0 Comments