Nagiging malinaw na ang lahat kung bakit medyo mainit si Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla at ang utol nitong si Ombudsman Boying Remulla kay Sen. Chiz Escudero.
Ito’y dahil nagbabalak pala itong si Jonvic na tumakbo sa 2028 presidential elections.
Mismong si Jonvic ang nagparamdam na pinag-iisipan niya na tumakbo sa pagka-pangulo sa 2028. Sinabi niya ito sa isang interview ng ANC.
Pahapyaw lang ang paramdam ni Jonvic sa kanyang presidential ambition pero para sa mga mapagmasid, malakas na indikasyon ito na pinaplantsa na ang kanyang pagtakbo.
Kapuna-puna rin na binanggit ni Jonvic ang pangalan ni Chiz sa parehong interview na posibleng kumandidato rin daw. Nakakaloka lang dahil nauna pa si Jonvic na mag-anounce para kay Chiz.
Hindi pa nga inihahayag ni Chiz kung balak nitong tumakbong presidente eh pinangunahan agad ito ni Jonvic.
Feel yata ni Jonvic na habang mainit-init pa ang isyu sa budget insertion ay bet nitong kumintal sa isip ng mga botante na tatakbo si Chiz at kailangan itong bantayan dahil sa mga isyung nagsasangkot dito sa budget insertion.
At mukhang planado na nga ang lahat dahil maging ang kuya ni Jonvic na si Boying ay hina-harass din si Chiz. Kung makakasuhan nga naman si Chiz madidiskaril ang tsansa nito, kung meron man, sa 2028.
Pero bakit kailangan pang manira kung ang intensyon lamang ay magserbisyo sa bayan? Ang pangit na klase ng pamumulitika at paninira sa itinuturing na kalaban para lamang lumakas ang tsansa ng isang kandidato.
Mukhang para sa Remulla brothers ay malaking balakid si Chiz. Kaya kahit sinasabi ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) na hearsay lamang ang mga paratang kay Chiz, determinado si Boying na makasuhan ito.
Nakakapagtaka nga na mauuna pa yatang kasuhan ni Boying si Chiz kesa sa kanyang ka-brod na si dating Speaker Martin Romualdez. Nagsusumigaw na ang mga ebidensya laban kay Romualdez pero tahimik si Boying.
Ramdam na ramdam tuloy ng mga miron na pinipili lamang ang mga kinakasuhan.
Sabi noon ni Pangulong Bongbong Marcos sasampahan ng kaso ang mga sangkot ayon sa ebidensya pero mukhang hindi naman ito totoo sa kaso ni Romualdez habang si Chiz na hearsay lang ang ebidensya ay gustong ipakulong.
Wag naman sanang mangyari na gamitin pa ang tanggapan ng Ombudsman para isulong ang personal na interes ng mga Remulla partikular ni Jonvic.
Masyado pang maaga para sa 2028 presidential election, huwag itong unahin kaysa hustisyang inaantay ng taumbayan.
The post Kaya ba may durugan na? first appeared on Tonite - Abante.
For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.
0 Comments