Pinagliyab muli ni Terence Crawford ng Estados Unidos ang matagal nang tensiyon sa kampo ni Manny Pacquiao nang ikuda na naman na sinadyang iwasan ng kampo ng sikat na boksingero ang posibleng paghaharap sa kainitan ng kanilang mga karera.
Sa isang serye ng mga post sa X (dating Twitter) noong Miyerkoles, binatikos ng five-division world boxing champion ang mga kritiko na nagtatanong sa kanyang katanyagan at ginamit ang pagkakataong upang muling balikan ang hindi natuloy na laban kay 8-division world titlist Pacquiao – isang isyung muling lumitaw sa buong karera niya.
Ayon sa Kano, “nakakabaliw” para sa kanya na iginiit ng mga tagahanga na hindi siya mabenta ng laban, at sinabing siya ang pangmalakasang atraksyon para sa halos ng bawat naging laban niya kaysa sa mga nakabugbugan.
Sa tugon sa isang komento na may kinalaman kay Oscar De La Hoya – na kamakailan ay nagsabi na matatalo siya ni Pacquiao na nasa kanyang kasikatan – matalim na sumagot din si Crawford.
“Sinabi ni Oscar De La Hoya na tinalo sana ako ni Manny Pacquiao dahil natalo siya nito. Tingnan mo… pinatulan ko sana kayo, Pacquiao, at sinumang sa tingin mo ay tatalo sa akin,” post sa Ingles ni Crawford, bago iginiit na wala siyang intensyong bastusin ang mga nagawa ni Pacquiao.
Pagkatapos ay muli niyang binisita ang matagal nang sinasabi na iniiwasan siya ng kampo ni Pacquiao noong 2015, dinagdag na hinabol niya ang laban pagkatapos ng kanyang panalo kay Dierry Jean at sinadyang ilayo aniya siya ng mga taong nakapaligid din sa kanya at sa Pinoy boxing legend. (Abante Tonite Sports)


The post Terence Crawford giniit pag-iwas ni Manny Pacquiao sa bakbakan first appeared on Tonite - Abante.
For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.
0 Comments