Zaijian Jaranilla willing makigulo kina Andres Muhlach, Ashtine Olviga

Naging tampulan ng tukso sina Zaijian Jaranilla at Ashtine Olviga na parehong nating presentor sa katatapos na MMFF 51 Gabi ng Parangal.

Biniro kasi ni Ashtine si Zaijian na kahit mas matanda raw ito sa kanya ay napapanood na raw niya ito noon bilang child star.

Ikinatuwa ito ng mga netizen at sinasabing may chemistry ang dalawa sa entablado.

Tinanong si Zaijian kung willing ba siya na makatrabaho si Ashtine sa isang movie kung may pagkakataon.

“Oo naman, wala naman akong pinipiling katrabaho. Kung may dumating sa aking trabaho, kung sinong makasama natin eh di ibigay natin ‘yung best natin,” deklara ni Zaijian.

“Bago kami umakyat ng stage ni Ashtine, kwento niya na nagkita na pala daw kami sa EK (Enchanted Kingdom) basta sa isang amusement park na nagba-vlog daw siya at nasama daw ako sa vlog niya . Sabi ko sa kanya hahanapin ko ‘yung vlog na yan ha baka makita ko. Hanapin ko po ‘yun, yan ang una kong gagawin mamaya,” sambit pa ni Zaijian.

“Mabait naman po siya. Hindi rin naman nagkakalayo ‘yung edad namin gaya nga nung joke niya kanina,” papuri ni Zaijian kay Ashtine

Willing ba siyang makigulo sa AshDres loveteam?

“Ako po kasi, wala talaga akong pinipili sa mga genre. Pero masaya ako dahil marami silang na-inspire at nata-touch na mga fan. Siyempre dahil yun ‘naman talaga yung goal ng mga loveteam eh na ipakita n’yo na nakakakilig kayong dalawa, kumbaga kung ano ‘yung nag- work sa kanilang dalawa. Masaya po ako,” sey ni Zaijian sa AshDres.

Willing naman daw siyang makatrabaho sina Andres Muhlach at Ashtine kapag nagkaroon ng pagkakataon.

The post Zaijian Jaranilla willing makigulo kina Andres Muhlach, Ashtine Olviga first appeared on Tonite - Abante.



For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.

Post a Comment

0 Comments