Pinaniniwalaang nasa Portugal si dating Ako Bicol Rep. Zaldy Co, ayon kay Interior and Local Government Sec. Jonvic Remulla.
“Zaldy Co is believed to be in Europe, suspected to be in Portugal. He is suspected to have a Portuguese passport acquired so many years ago,” ani Remulla sa isang press briefing nitong Lunes, Disyem¬bre 1.
“Sa ngayon, ang hinala namin ay nasa Portugal siya. Doon po siya naninirahan,” dagdag niya.
Kabilang si Co sa ilang persona¬lidad na isinasangkot flood control scandal at may warrant of arrest na mula sa Sandiganbayan kaugnay ng maanomalyang P289.5 million road dike project sa Oriental Mindoro
Nanawagan din ang kalihim ng Department of Interior and Local Government (DILG) sa lahat ng Overseas Filipinos Workers sa buong mundo na kunan ng larawan o video si Co kapag nakita ito sa kanilang kinaroroonang bansa.
Ayon kay Remulla, kapag napiktyuran o nabidyuhan si Co ay i-post agad sa social media upang mabilis na matunton ito ng mga awtoridad.
“Nakikiusap kami sa lahat ng mga Pilipino sa buong mundo na kung makita si Zaldy Co, kung puwede picturan, padala agad, i-post agad sa internet para may idea kung nasaan ito ngayon,” ani Remulla.
Sinabi ni Remulla na nagtutulungan ang mga ahensiya ng gobyerno upang masukol at mapauwi sa bansa si Co para harapin ang mga kasong isinampa laban sa kanya.
“The DFA, DILG, Ombudsman, and the DOJ are all working together in order to get a satisfying outcome into the repatriation of Zaldy Co back to the Philippines,” dagdag ni Remulla.
Samanala, wala pa umanong natatanggap na anumang utos mula sa korte ang Department of Foreign Affairs (DFA) para kanselahin ang pasaporte ni Co.
“The DFA has not received any court order instructing the cancellation of Zaldy Co’s passport,” anang ahensiya.
Ito ay matapos ang pahayag ni DILG Secretary Remulla na kanselado na umano ang pasaporte ng dating mambabatas na iniuugnay sa flood control scam.
“Pagkaalam ko, na-cancel na ‘yung passport niya,” ani Remulla sa press briefing sa Malacañang nitong Lunes, Disyembre 1. (Issa Santiago/Aileen Taliping/¬Angelika Cabral)
The post Zaldy Co natumbok sa Portugal- Jonvic Remulla first appeared on Tonite - Abante.
For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.
0 Comments