LTO pinaplantsa lisensiya ng mga e-bike, e-trike driver

Ilang reklamo mula sa publiko ang nagtulak umano sa Land Transportation Office (LTO) upang muling repasuhin ang mga panuntunan sa paggamit ng e-bike at e-trike.

Dahil dito, posibleng ilabas ng ahensiya ngayong Enero o sa Pebrero ang isang circular memorandum para sa mga bagong patakaran.

Ayon sa LTO, hinihintay na lamang ang pirma ng Department of Transportation upang ipatupad ang mga bagong panuntunan.

Sinabi ni LTO Officer 1 Jerome Rodriguez na isa sa mga pangunahing tinitingnan na probisyon ay ang pagsasama ng light electric vehicles sa opisyal na kategorya ng sasakyan para sa lisensiya.

Sa ngayon, patuloy pa ang diskusyon kung kinakailangan bang kumuha ng driver’s license, student permit, o maglabas ng hiwalay na uri ng lisensiya para sa mga gumagamit ng e-bike at e-trike, na siyang dahilan ng pagkaantala sa paglalabas ng memorandum. (Charmaine Abong)

The post LTO pinaplantsa lisensiya ng mga e-bike, e-trike driver first appeared on Tonite - Abante.



For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.

Post a Comment

0 Comments