Shai Nitura 6 ang pinanis, hinagip Player of the Week

Kapag ang dating Rookie of the Year nag-mature, hindi lang nagkakaroon ng mas maraming lakas, kapangyarihan, kinakaya na ring manguna kapag kailangan ng kanyang kampo.

‘Yan ang giniit ni Shaina Marie ‘Shai’ Nitura ng Adamson University sa ikatlong linggo ng 88th UAAP Women’s Volleyball Tournament, na nagdala sa Lady Falcons ng mahahalagang panalo para sa 3-2 rekord habang patiklop ang 1st round elims
Dahil sa ginampanang papel sa pag-angat ng San Marcelino-based squad sa sumisikip na standing, pinangalanan si Nitura nitong Martes bilang Collegiate Press Corps Player of the Week na hatid ng Philippine Sports Commission para sa Marso 4-8.
2025 Rookie of the Year, siya nagbigay ng pinakamalakas na performance sa ikalawang taon sa ADU, sinorpresa sa straight-set ang University of Santo Tomas noong Sabado sa Big Dome.
Kahit hindi pinakamataas na puntos sa laro iyon par ngayong taon, hindi kinailangan ni Nitura ng maraming palo upang makaiskor ng 22.
“Pinagtatrabahuhan namin ito. Talagang tiniyaga ang bawat training. Kailangan naming magtiwala sa isa’t isa at maghintay sa sistema kasi may mapatutunguhan lahat ang pinaghihirapan,” salaysay ni Nitura, na nag-break ng mga scoring record sa kanyang rookie year.
Wagi siya sa katropang si Frances Mordi, kina National Universty trio Vange Alinsug, Shaira Jardio, at Arah Panique, Angel Canino ng De La Salle University, at Gerzel Petallo ng Far Eastern University sa weekly citation na mga suportado ng Discovery Suites at Buffalo Wings N’ Things.
“Simula noon, ‘yun talaga ang pinapraktis namin na kahit ano pa ang sitwasyon, kailangan lang naming manatiling nakatutok, magpokus at ibigay ang lahat,” panapos na sey ni Nitura. (Abante Tonite Sports)

The post Shai Nitura 6 ang pinanis, hinagip Player of the Week first appeared on Tonite - Abante.



For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.

Post a Comment

0 Comments