STANDING
TEAM W L PTS
PLDT 6 1 17
Cignal 5 2 16
Creamline 5 2 14
Nxled 4 4 12
Akari 4 3 12
Farm Fresh 3 4 11
Choco Mucho 3 4 10
Capital1 3 4 7
Galeries Tower 2 5 6
Zus Coffee 1 7 3
Mga laro ngayon
(Filoil Playtime Centre)
4 p.m. – PLDT vs Choco Mucho
6:30 p.m. – Capital1 vs Cignal
Durugtungan ni Vanessa ‘Vanie’ Gandler at mga kasamahan sa Cignal ang pag-sweep sa Zus Coffee noong Huwebes samantalang ibabawi ni Mhicaela ‘Bella’ Belen ang Capital1 sa giriang Super Spikers-Solar Spikers sa 9th Premier Volleyball League All-Filipino Conference prelims ngayong Sabado.
Tokang magpang-abot ang pumapangalawang mga bata nina coach Cesael ‘Shaq’ Delos Santos (5-2) at nasa pangwalong mga alagad ni bench strategist Jorge De Brito (3-4) sa alas-6:30 ng gabi sa Filoil Playtime Centre sa paliga ng Sports Vision Management Group, Inc.
Sasalang sa alas-4:00 ng hapon ang lider na PLDT (6-1) at nasa ikaanim na Choco Mucho (3-4).
Pumukpok si Gandler ng 20 points habang umagapay ng 11 si Roselyn Doria-Aquino nang ipangmumog ng Cignal ang Thunderbelles, 25-18, 25-23, 25-22. Tanging si Belen lang lang ang pumalag sa Capital nang yumukod sa 4-set kontra Akari noong Mar. 7.
Samantala, ipinahayag nitong Biyernes ng liga na magiging abala ang Candon City para sa pagbuhay sa All-Star Volleyball Showcase ng PVL at Spikers Turf sa May 1. (Abante Tonite Sports)
The post Vanie Gandler iraratsada Cignal, Bella Belen ibabalikwas Capital1 first appeared on Tonite - Abante.
For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.
0 Comments