PH 11 Under-23 ihahanda na pagkatukoy sa mga miyembro

Sinimulang pormal ng Philippine Football Federation (PFF) ang maagang paghahanda para sa national men’s team under-23 sa pamamagitan ng isang talent identification exhibition match sa SM Mall of Asia Sky Pitch sa Pasay.

Ang laban ang nagtampok sa dalawang koponan na binubuo ng mga pinakamaaasahang mga batang manlalaro mula sa UAAP, NCAA, at Philippines Football League (PFL), na nagmarka ng isang mahalagang hakbang sa pagbuo ng susunod na henerasyon ng mga natatanging manlalaro ng pambansang koponan.

Ang inisyatiba ay sumasalamin sa isang estratehikong pagbabago patungo sa tuloy-tuloy, buong-taong pag-unlad ng U23 program, kahit sa labas ng mga panahon ng torneo.

Pinasiguro ni PFF President John Anthony Gutierrez ang pangako ng pederasyon sa pangmatagalang pag-unlad ng mga manlalaro:

Dinesenyo ang proseso ng paghahanda ng U23 squad upang sukatin ang potensyal ng mga batang manlalaro. Sa pamamagitan ng paglalagay sa kanila sa mga mataas na antas ng kapaligiran nang maaga, pinabibilis hindi lang ang kanilang pag-unlad, kundi pati na rin ang kahandaan na matugunan ang mga pamantayan ng pandaigdigang football.

Pinayuhan ng punong tagapagsanay ng koponan na si Garrath McPherson na mahigpit na manmanan ng PFF ang mga lokal na kompetisyon sa nakalipas na anim na buwan upang makabuo ng isang pool na may mataas na potensyal na pangunahing bubuo sa mga player na ipinanganak mula 2005 hanggang 2007.

“Matagal na naming minomonitor ang mga kompetisyon ng UAAP at PFL sa nakalipas na anim na buwan. Pinili namin ang 40 hanggang 44 na manlalaro na may pinakamataas na potensyal, at ang grupong ito ang kakatawan sa susunod na U23 program,” lahas sa Ingles ni McPherson.

“Ang mga aktibidad ng Talent ID tulad nito ang magiging batayan para sa pagpili sa SEA Games sa susunod na taon at sa mga kwalipikasyon ng AFC U23 Asian Cup.”

Ang eksibisyong laban ay pangungunahan ng mga U23 coach at dadaluhan ng mga Talent ID at scouting personnel. Ang parehong panig ang bubuo ng mga natatanging manlalaro mula sa kolehiyo at club na makikipagkumpetensya para sa mga puwesto sa pambansang pool.

Kandidatong mga goalkeeper sina Nathan Bata (Kaya), Lance Bencio (One Taguig), Inigo Castro (DLSU), Fonsi Gonzalez (UP), Alfonso Loja (ADMU), Javee Tagle (CSB).

Field players sina Jamar Andrade (Adamson), Daniel Caganaan (UST), Karim Chahine (DB Garelli), William Cosenza (Aguilas), Charles Demeray (FEU), Bacchus Ekberg (DLSU), Stephen Flores (UST), Janjan Jalique (Tuloy), Aarran Long, John McPhil Magalazo II (EAC), Josh Meriño (UP), McJay Naniel (FEU), RJ Pescadera (FEU), Sam Salingay (SBU), Francis Sambaan (FEU), Caleb Santos (ADMU), Cyrille Saut (Tuloy), Vincenzo Solidum (UST);

Stephen Sorea (FEU), Alonso Aguilar (DLSU), Dale Anoya (CSB), John Banagodos (ADU), Joaquin Collo (ADMU), Raiken Comla (UP), Nathan De Ocampo (ADU), Jhon Diaz (Tuloy), Jan Donato (UP), Kyler Escobar (UST), Joseph Garces (UP), John Giminez (USPF Cebu), Matteo Lacson (ADMU), Rodrigo Marinas (UST), Sylver Pormento (UP), Kendrick Saludes (UP), Lorenz Tortona (UP), at John Vitualla (CSB).

Giniit ni McPherson ang halaga ng mga kapaligirang mapagkumpitensya upang kumpletuhin ang mga tradisyonal na kampo sa yugtong ito.

“Ang mga laro para sa pagtukoy ng talento tulad nito ang magpapalakas sa mga tradisyonal na training camp. Ito rin ang nagbibigay ng daan sa atin na makita ang isang grupo ng mga manlalaro sa isang kompetitibong laban na may mas kaunting epekto sa mga kumpetisyon ng club. Kapag ang mga manlalaro ay inilagay kasama ng iba pang mga talento sa mataas na antas, mas malinaw mong makikita ang kanilang potensyal na pagganap,” hirit niya.

Idinagdag pang potensyal na magdaos ng katulad na mga one-off na laban nang regular sa buong taon.

“Napakahalaga na makita ang mga manlalaro na mag-perform sa mga ganitong laro. Ang mga laban na ito ang magbibigay sa kanila ng plataporma upang ipakita ang kalidad nang hindi kinakailangan ng mahahabang kampo sa labas ng mga panahon ng torneo.

Ayon pa sa Australiano, ang kahalagahan ng pagpapanatili ng momentum matapos ang isang matagumpay na kampanya ng U23 noong 2025.

“Ang mga nangungunang programa sa SEA tulad ng Vietnam at Indonesia ay hindi tumitigil sa paghahanda, at hindi rin tayo dapat tumigil. Ang antas ng U23 ay kritikal sa landas ng pag-unlad, at ang patuloy na aktibidad ang titiyak na handa tayo hindi lang makipagkumpetensya, kundi upang lumipat sa susunod na hakbang at manalo. Nagbibigay tin ito ng isang napapanatiling daluyan para sa ating national men’s team.

Pagkatapos ng pagsusuri sa loob ng bansa, palalawakin ng PFF ang mga pagsisikap sa pag-scout sa internasyonal na antas sa pamamagitan ng isang talent identification camp sa San Diego, California ngayong Mayo, na nakatuon sa mga manlalarong kwalipikado para sa mga Pilipinong nakabase sa Estados Unidos. Malapit nang ilabas ng PFF ang aplikasyon para sa San Diego camp. (Abante Tonite Sports)

The post PH 11 Under-23 ihahanda na pagkatukoy sa mga miyembro first appeared on Tonite - Abante.



For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.

Post a Comment

0 Comments