Nagkaroon ng kasunduan sina Senate President Alan Peter Cayetano at National Bureau of Investigation (NBI) Director Melvin Matibag kaugnay sa protective custody kay Senador Ronald “Bato” dela Rosa matapos kumpirmahin ng International Criminal Court (ICC) ang warrant of arrest laban sa mambabatas.
Kinilala ni Matibag ang desisyon ng Senado na ilagay sa protective custody ng kapulungan si Dela Rosa.
Matapos ang pakikipag-usap kay Cayetano, sinabi ni Matibag sa mga reporter na pansamantalang hindi aarestuhin si Dela Rosa ngunit inaasahang tutugon sa imbestigasyon ang senador.
Ayon kay Matibag, makikipag-ugnayan ang NBI sa ICC at sa International Criminal Police Organization o Interpol kaugnay sa kanilang kasunduan ni Cayetano.
Senado ni-lockdown
Bago ang pag-uusap nina Cayetano at Matibag ay ni-lockdown ang buong compound ng Senado sa Pasay City nitong Lunes ng hapon, Mayo 11, matapos ang tangkang pag-aresto diumano ng mga ahente ng NBI kay Dela Rosa.
Dumalo kasi si Dela Rosa sa sesyon ng Senado makalipas ang anim na buwan nang pagtatago para suportahan ang mga kasamahan sa minority group sa pagpapatalsik kay Senate President Vicente “Tito” Sotto III sa puwesto.
Dahil sa security lockdown, naging mahigpit sa pagpapasok ng mga tao sa loob ng Senado kung saan maging si Matibag at ang mga miyembro ng media ay pansamantalang hindi pinapasok sa compound.
Kumalat din sa social media ang video kung saan makikita si Dela Rosa kasama ang ilang staff na tumatakbo papasok sa Senado hanggang paakyat ng hagdanan habang hinahabol umano ng mga ahente ng NBI.
Protective custody kay Bato
Sa plenaryo ng Senado, inaprubahan ang mosyon para ilagay si Dela Rosa sa protective custody ng kapulungan sa gitna ng ulat na naglabas na ng arrest warrant ang ICC laban sa senador.
“We need to protect the senator [Dela Rosa],” pahayag ni Senador Rodante Marcoleta sa paghahain niya ng mosyon.
“I move that Senator Bato be placed under the Senate protective custody until he is able to get all and exhaust all legal remedies to protect himself and until this institution is able to do just the same,” dagdag niya.
Agad naman itong inaprubahan ni Cayetano matapos na walang kumontra sa mosyon ni Marcoleta.
Ibig sabihin nito, mananatili sa proteksyon ng Senado si Dela Rosa at hindi ito maaaring arestuhin habang nasa loob ng kapulungan.
“The motion is consistent with our rules, is consistent with Senate Resolution No. 44, is consistent with precedence, so is there any objection, if not, the motion is carried,” ani Cayetano.
“Consistent with past practices, Senator Bato will enjoy the protection of the law, and the protection of the Senate in accordance with our rules and with Philippine laws,” ayon pa sa bagong Senate president.
Iniutos din ni Cayetano na i-contempt at ilagay sa kustodiya ng Senado ang mga NBI agent na umano’y humabol kay Dela Rosa.
Ani Cayetano, inatasan niya ang Office of the Sergeant-At-Arms na dalhin at pansamantalang ideteni ang mga NBI agent sa loob ng Senado.
Naghain naman ng resignation si Senate Sergeant-At-Arms (retired) Major General Edgardo Rene Samonte dahil sa insidente.
Binasa sa plenaryo ang kanyang pagbibitiw. Inanunsiyo naman na ibabalik sa puwesto si dating Senate Sergeant-At-Arms Mao Aplasca.
Sa pinakahuling ganap sa Senado nitong Lunes ng gabi, nagkaroon ng kasunduan sina Cayetano at Matibag na hindi aarestuhin si Dela Rosa at pinakawalan din ang siyam na ahente ng NBI na pinigilan sa Senado. (Issa Santiago/Dindo Matining/Dexter Ganibe)
The post Cayetano, Matibag kasado deal vs ICC arrest kay Bato dela Rosa first appeared on Tonite - Abante.
For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.
0 Comments