Hinarap ni defending individual champion Sean Granada ang malupit na hangin at nakakapasong kondisyon nang may tibay at katumpakan, hinambalos ang three-over 75 upang sunggaban ang maagang pangunguna sa men’s division, habang nilampasan ni Phoebe Bucay ang parehong mahirap na tagpo upang pumrimera sa women’s side sa 2nd ICTSI Intercollegiate Tournament first round sa Tagaytay Midlands nitong Lunes.
Kinakatawan ang College of Saint Benilde-1, sinandalan ni Granada ang mga clutch shot at matatag na putting upang mapagtagumpayan ang frontside at ang kilalang mahirap na Lucky 9 layout ng Midlands, lumabas bilang tanging manlalaro na nakapag-baba ng 80 sa siklab ng apat na araw na torneo na inorganisa ng ICTSI at Philippine Golf Foundation.
Tinabig si Zachary Castro ng De La Salle University sa isang sudden-death playoff upang manalo ng unang korona sa Summit Point noong nakaraang taon, nagbukas si Granada ng 2-stroke cushion kontra Lucas Aldeguer ng DLSU-1, na may 77.
Nasa ikatlo ang katropa ni Aldeguer na si John Gabriel Canlas na may 80, habang si Jet Ang ng DLSU-2 nag-82. Bumubuntot sina Arvin Ong ng DLSU-1, Emilio Curran ng Ateneo De Manila University-1, at Carl Udasco ng ADMU-2 na may 83 bawat isa.
Binuno ni Bucay, sa kabilang banda, ang mahihirap na kondisyon ng pag-score at nag-scramble para makakuha ng 101 upang makapagpatatag ng apat na putok na kalamangan sa dibisyon ng mga kababaihan laban kay Kristyanna Herrera ng Enderun College, may 105.
Malapit sa bakbakan sina Stacey Chan ng La Salle-1 at Charlene Jagunos ng St. Benilde-1 na may tig-106.
Lider din ang La Salle-1 sa men’s team sa ilalim ng three-to-play, two-to-count format, may 157 kasama ang 77 ni Aldeguer at 80 ni Canlas, habang hindi binibilang ang 83 ni Ong.
Dinala ni Granada ang CSB-1 sa kanyang 75 habang nagdagdag si Nathan Lee ng 85 para sa 160 at tatlong palong iwan ng Blazers sa liderato.
Tumetersera ang Ateneo-1 sa 163 sa likod ng 80 ni Udasco at 83 ni Curran.
Ang La Salle-2 ang nasa ikaapat na puwesto na may 166 mula 82 at 84 nina Ang at Andrew Chua, habang ang Ateneo-2 ang pumuno sa top five na may 167 sa 83 ni Udasco at 84 ni Zachary Nicart.
Sa karera ng koponan ng kababaihan, nasa tuktok ang La Salle-1 sa 207, isang malaking 12-stroke lead sa Enderun-1, na may 219 sa likod ng 105 ni Herrera at 114 ni Daine Pillerin.
Nagtala ang St. Benilde ng 220 sa pamamagitan ng 106 ni Jagunos at 114 ni Olivia Bermudo, habang nagbigay ang Mapua University ng 229 kina Angel Cawili at Rane Cabling ng 112 at 117, ayon sa pagkakasunod. (Abante T0nite Sports)
The post Sean Granada, Phoebe Bucay pabibo agad sa IIT Golf opener first appeared on Tonite - Abante.
For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.
0 Comments