Ralph de Leon ‘binugbog’ sa pagho-host ng MUPH

Viral at trending kaagad ang nangyaring microphone malfunction kay Ralph de Leon. Naging segment host ng Ms. Universe Philippines ang aktor kagabi sa SM Mall of Asia Arena.

Nagkaroon ng technical problem habang nagsasalita si Ralph.

Dahil dito, ilang beses niyang inulit ang kanyang spiel at hindi matuluy-tuloy.

“Tonight we have witnessed Filip— (long pause)…”

Tonight we have witnessed Filipinas who have stepped into their power and owned their story…”

“Tonight — we— (pause). Tonight — (long pause)….” ang paulit-ulit na spiel ng aktor.

Ayon sa reaksyon ng mga netizen na mismong nasa venue ay hindi raw naririnig ang boses ng aktor pero sa telebisyon ay meron daw. Kaya ang dating sa mga nanonood sa TV ay nagkakamali siya bilang host dahil hindi niya naririnig ang sarili.
Hindi rin maiiwasan na ma-bash ang aktor. Sey nga ng isang netizen, “Dapat sa ganitong contest pinipili ang magaling na host Ang daming nanonood n taga ibang bansa. ”

Hirit pa ng Isa, ” Dapat nag mic test mic test muna siya tas nag-xplain na may technical glitch kaysa nag-tonight lang siya nang nag-tonight.”

May nagtanggol naman kay Ralph at sey nito, ” Hind naman big dea. Nlagkaroon lang ng technical problem which is hindi niya yun fault and besides ang galing nga niya eh, yung iba kasi agad agad namba-bash.

Ang sikat namang social media personality na si Senyora ay napa-comment din sa kaniyang Facebook page. Aniya, “I think hindi kaya tonight… tomorrow na lang.”

Dito ay napakomento si Ralph ng, “Senyora di naman tayo umabot ng tomorrow.”

The post Ralph de Leon ‘binugbog’ sa pagho-host ng MUPH first appeared on Tonite - Abante.



For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.

Post a Comment

0 Comments