Kiko Barzaga namumurong sibakin sa Kamara

‎Tagilid si Cavite Rep. Francisco “Kiko” Barzaga sa House Committee on Ethics and Privileges.

‎Sa impormasyong nakalap ng Abante Tonite, target umanong ilabas ng komite sa ikalawang linggo ng Mayo ang desisyon kaugnay ng panibagong ethics complaint laban kay Barzaga.

‎“Baka second week ng May ilalabas ang desisyon at pagbotohan agad sa plenary,” ayon sa impormante na hindi na nagbanggit ng pangalan kapalit ng impormasyong ito.

Dahil dito, lumalabas na dalawang linggo lang magtatrabaho si Barzaga dahil sa Lunes, Mayo 4, ang unang araw nito na papasok sa plenaryo mula nang masuspendi sa ikalawang pagkakataon noong Pebrero 4, 2026.

‎Nauna nang sinabi ni House Deputy Speaker Janette Garin na kapag ang isang mambabatas ay nasuspinde ng dalawang beses ay expulsion na ang susunod na parusang ipapataw sa kanya.

‎Matatandaang unang pinatawan ng 60 arawna suspensiyon na walang sahod si Barzaga noong Disyembre 2025 matapos itong ireklamo ng kanyang mga dating kapartido sa National Unity Party (NUP) dahil sa inaasal umano nito sa social media at maging sa Kongreso na hindi nararapat sa isang mambabatas.

‎Bagama’t binigyan na ng babala sa unang suspensyon na huwag nang uulit ay tila hindi umano ito sineryoso ni Barzaga kaya muli itong pinatawan ng panibagong 60 araw na suspensiyon noong Pebrero 4, 2026 na natapos nitong Abril 5, 2026.

‎Gayunpaman, dahil bakasyon ang Kongreso mula Marso 20 hanggang Mayo 3, ay sa Lunes, Mayo 4, ang unang pasok ng mambabatas matapos ang suspensiyon.

Noong Abril 28, 2026 ay nagpulong ang komite kung saan tinalakay ang ethics complaint ni Garin laban kay Barzaga matapos isisi sa kanya at maging sa kanyang anak na babae at kay House Senior Deputy Majority Leader at Iloilo Rep. Lorenz Defensor ang pagkamatay ng isang vice mayor noong Bagong Tao gayung nasawi ang biktima dahil sa accidental firing.(Bernard Taguinod)

The post Kiko Barzaga namumurong sibakin sa Kamara first appeared on Tonite - Abante.



For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.

Post a Comment

0 Comments