Marami ang nalungkot sa naging pagkatalo ni Alex Eala kay American Iva Jovic sa third round ng US Open nitong Linggo (Sabado ng gabi sa New York).
Masaklap dahil abot-kamay na niya ang bentaheng 5-2 sa third set pero lumabas sa linya ang volley niya. Kung dumikit ito sa linya, double break at panghihinaan na ng loob si Jovic. Sa halip, nakadikit sa Jovic at na-break si Eala tungo sa pagkapanalo sa iskor na 5-7, 6-3, 5-7 sa loob ng tatlong oras.
Napatahimik ang mga Pinoy na nanood sa Arthur Ashe Stadium, ang pinakamalaking tennis stadium sa buong mundo na may kapasidad na higit sa 23,000 katao. Wasak ang puso ng mga Pinoy, marahil ay naiyak din ang iba tulad ni Eala.
Habang naglalakad si Eala palabas ng venue, hindi nito napigilang maluha sa pagkatalo. Kung nilampaso sana siya, hindi siya malulungkot. Pero yung panalo na, natalo pa, iyon ang masakit lalo pa’t matalik niyang kaibigan ang gumapi sa kanya.
Kung nagwagi siya kay Jovic, mabubura na sana ang alaala ng dalawang beses na pagkatalo niya sa kaibigan dahil sa Grand Slam event niya matitikman ang unang panalo sa American player. Bagkus, 0-3 na ang iskor niya kay Jovic.
Kung nanalo naman siya, isa pang kaibigan ang makakaharap niya sa fourth round sa katauhan ng Amerikanong si Coco Gauff.
Dati nang nasaksihan ng mga Pilipino ang walang tigil na pag-iyak ni Eala nang matalo kay Australian Maya Joint sa Eastbourne Open final noong Hunyo 28, 2025. Ito sana ang una niyang korona sa WTA 250 event kung hindi tayo nagkakamali.
Nakabawi naman si Eala sa pagkatalo niya kay Joint nang itaob niya ito sa second round ng Wimbledon Championship noong Hulyo 2.
Malay natin makabawi rin si Eala sa pagkatalo niya sa kanyang kaibigan next year sa Australian Open o kaya ay sa Wimbledon o US Open. Hindi ko na inilista ang French Open dahil hirap siya sa clay court.
Hindi lang naman sa sports may naglalabang magkaibigan. Mayroon din sa politika, negosyo, showbiz at sa mga ordinaryong mamamayan.
Isa sa klasikong ehemplo ng magkaibigang politiko na naging magkaaway ay sina dating Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte at dating Senador Mar Roxas.
BFF ang turing ni Mar kay Digong noong mayor pa lamang ito ng Davao City. Pero noong tumakbo sa 2016 presidential elections ang dalawa, doon na naghiwalay ang kanilang landas.
Katakot-takot na panlilibak ang inabot ni Roxas kay Duterte noong presidente pa ito ng Pilipinas.
Ngayon, nasa kulungan ng International Criminal Court (ICC) sa The Hague, Netherlands ang dating Pangulo, habang si Roxas ay abala naman sa pagpapalaki sa kambal niyang anak.
Ika nga ng marami, bilog ang mundo. Kung minsan nasa ibabaw, kung minsan nasa ilalim.
The post Pinaiyak ng kaibigan first appeared on Tonite - Abante.
For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.
0 Comments