Obyus na boto si Gelli De Belen kay Daniel Padilla, para sa pamangkin niyang si Kaila Estrada, ha!
Sa chikahan nga kay Gelli ay inusisa siya kung kinikilig din ba siya kapag nagpu-post ang pamangkin niyang si Kaila ng mga sweet photos with Daniel?
“Nakikita ko naman sila palagi na magkasama. Masaya ako sa kanila!
“Alam ko na kasi, kaya parang hindi na bago sa akin `yon. Basta happy lang ako for them, kasi happy sila. Basta masaya sila, go lang!
“Matatanda na sila. Mga trentahin na sila! Hahahaha!” sabi ni Gelli.
Pero, ano ba ang maipapayo niya kina Kaila, Daniel? Si Gelli nga ay bonggang-bongga pa rin ang buhay may asawa, sa piling ni Ariel Rivera.
“Ako basta masaya kayo, alam niyo ang ginagawa niyo, na naka-focus kayo sa mga gusto niyong gawin sa buhay mo.
“Si Kaila kasi eversince, meron `yang mga plano sa buhay. As long as hindi ka madi-derail, as long as he brings out the best in you, or the best version of you, goooo!
“Kapag dumarating ka na sa puntong kinu-question mo na ang pagkatao mo, teka muna, doon ka na mag-isip.
“Pero as long as he brings out the best version in you, go lang!” sabi pa ni Gelli.
Anyway, sa mga anak ba nila ni Ariel, dumanas din ba sila sa mga problema ng love life nila?
“Alam mo for every stage of their life, may mga issues. Like tungkol sa eskuwela, sa ganito, sa ganiyan. Pero I’m just so blessed. Maraming salamat talaga.
“May mga girlfriends na rin sila,” kuwento ni Gelli.
So, handa na ba siyang maging lola?
“Alam niyo, more than that, ready na ba sila? Ako, kung ano ang desisyon niyo sa buhay, desisyon niyo `yan. Pero, handa na ba kayo? ‘Yan ang unang tanong sa lahat.
“Sa tingin ko, hindi pa sila handa!
“Coming from somebodya who got married young, pero I was prepared.
“If you’re not prepared, it’s not a good thing do to. Kasi why, it will add conflict sa isang relasyon na bago, sa isang stage of your life, nab ago.
“Maga-adjust ka na nga roon, tapos hindi ka pa handa, doble na problema mo. Tapos, magkakaanak ka pa, hindi ka pa handa, triple na ang problema mo.
“So, mag-iiba ang takbo ng buhay mo, na hindi ka handa.
“So, I think more than anything, kailangan handa na muna sila, bago nila pasukin! They are not prepared!” lahad pa ni Gelli.
(Dondon Sermino)
The post Gelli de Belen pinayuhan sina Daniel Padilla , Kaila Estrada first appeared on Tonite - Abante.
For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.
0 Comments