Mauuso house, hospital arrest

Dati, lumikha ng ingay ang kahilingan ni dating Pangulong Joseph “Erap” Estrada na isailalim na lamang siya sa house o hospital arrest matapos siyang kasuhan ng plunder at graft sa Sandiganbayan noong siya ay mapatalsik sa puwesto.

Sa bandang huli, isinailalim na lamang siya sa hospital arrest sa Veterans Memorial Medical Center (VMMC) sa Quezon City kung saan dalawang taon siyang namalagi doon hanggang mahatulang guilty sa kinakaharap na kaso.

Pero nakalaya rin siya matapos na pagkalooban ng presidential pardon ng noon ay si Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo noong 2007.

Ang VMMC rin ang naging kulungan ni Arroyo nang siya naman ang kasuhan ng plunder kaugnay ng umano’y misuse ng P366 milyong pondo ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) mula 2008 hanggang 2010.

Isinailalim siya sa hospital arrest sa VMMC mula noong 2012 hanggang 2026. Nakalaya lamang ito nang iabsuwelto ito ng Supreme Court (SC) sa kasong plunder dahil mahina umano ang ebidensiyang iniharap laban sa kanya.

Simula noon, ilang personalidad na rin ang isinailalim sa hospital arrest.

Ngayong administrasyong Marcos, ilang prominenteng indibiduwal ang naghangad na isailalim sa hospital arrest, ilan dito ay sina dating Public Works Secretary Manuel Bonoan, Senador Rodante Marcoleta at dating Speaker at Leyte Rep. Martin Romualdez.

Sa tatlo, si Bonoan lamang ang nakalaya na matapos gawing state witness sa flood control scandal. Sina Marcoleta at Romualdez, parehong humirit ng hospital detention pero nang ipasuri sa mga doktor ng Philippine General Hospital (PGH) ay tinabla sa kanilang kahilingan kaya napunta rin kalaunan sa New Quezon City Jail sa Payatas, Quezon City.

Ang SC naman, sa hangarin na mabawasan ang jail congestion sa bansa, pinaplano na pahintulutan ang house arrest at hospital detention.

“The Supreme Court, for its part, is amending its rules and procedures concerning detention and release to include house arrest, medical confinement, or community-supervised release, as well as the section on compassionate release for offenders who are old, sick, or otherwise entitled to compassionate or humanitarian release upon serving the minimum term imposed,” sabi ni Chief Justice Alexander Gesmundo sa kanyang talumpati sa Justice Sector Coordinating Council (JSCC) Summit.

Sinuportahan naman ng Bureau of Corrections (BuCor) ang panukala ni Gesmundo hinggil sa paggamit ng house arrest, medical confinement at community supervision bilang alternatibo sa pagkakakulong.

Katunayan aniya, matagal nang isinusulong ng BuCor ang medical parole para sa mga Person Deprived of Liberty (PDL) na edad 70 pataas, may terminal illness o malubhang kapansanan.

Sa datos ng BuCor, umaabot sa 6,074 senior citizen na PDL pa ang nakakulong as of August 2026 kung saan 55 dito ay may malubhang karamdaman.

Eh paano naman ang datos ng mga PDL na na-served na ang sentensiya pero nakakulong pa rin? Kaya sila nababatikos ni Ombudsman Jesus Crispin “Boying” Remulla eh dahil hindi pulido ang kanilang trabaho.

The post Mauuso house, hospital arrest first appeared on Tonite - Abante.



For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.

Post a Comment

0 Comments