Lovely Abella is now married to Benj Manalo

Ikinasal na kagabi, January 23, ang Kapuso star na si Lovely Abella sa kanyang fiancé na si Benj Manalo.

Lovely Abella wedding

Sa kanyang Instagram, may pasilip si Lovely sa kasalan nila ng longtime partner na ginanap sa Lemuria Gourmet Restaurant, isang French Mediterranean Fine Dining Restaurant & Event Venue sa may Quezon City.

Caption ni Lovely sa kanyang post, “Mr. And Mrs. Manalo..”

Nito lamang January 1, nag-propose si Benj kay Lovely sa pangalawang pagkakataon.

Pati sa anak ng dancer-performer-comedian na si Crisha Kaye ay nag-propose din si Benj.

Anim na taon na ang relasyon nina Lovely at Benj.

Sa kanyang Instagram, maraming ibinahaging post sa kanyang IG Stories si Benj tungkol sa kanilang kasalan.

Pero, wala siyang post sa kanyang timeline.

Bumuhos naman ang congratulatory messages sa Instagram post ni Lovely mula sa kanyang mga kaibigan sa showbiz.

WEDDING GOWN A GIFT FROM KATHRYN BERNARDO

Ngayong umaga ng Linggo, January 24, nagkuwento naman si Lovely tungkol sa kanyang wedding gown.

Regalo raw ito ni Kathryn Bernardo na nakasama niya at nakapalagayang-loob sa blockbuster movie na Hello, Love, Goodbye noong 2019.

Pinalagan naman niya ang bashers na kumutya kung bakit niya tinanggap ang regalo ni Kathryn (published as is).

"Heto muna ang ipopost ko, before anything else.. Grabe pala ang bashers noh?

"Nandudurog ng puso, di mo alam kung sino at anong klaseng tao sila para manghusga..

"Bago ako magsimula sa industriya di ko pinangarap ang sumikat, pinangrap kung buhayin ang Anak ko at pamilya ko dahil breadwinner ako, sadyang mabait nga talaga siguro ako tulad ng sinasabi ng iba kasi lahat ng mababait na tao nakakasama ko, siguro hindi ko hinayaang itago kung ano ang pagkatao ko, No filter ako sabi nga nila, kung ano ang ugali ko yun ang totoo kahit sa mga VLOGS namin kaya magsubscribe na din kayo."

Tila inakusahan siya ng mga fans ni Kathryn na nanggamit sa kanilang pagkakaibigan. 

"di ako marunong manggamit para lang bigyan, at higit sa lahat di maatim ng puso ko na manira ng Relasyon, dahil kahit ano pa mangyari (Kathniel) forever noh..

"kahapon nung nakita ko sila kinilig ako salamat bal at my ga sa pgpunta..

"Okay heto na, mabait talaga si Kath saksi ako sa lahat ng yan, at niregalo niya sa akin ang Napakagandang wedding Gown na suot ko kagabi na gawa ni @stephtancouture, sabi ko My Ga wag na ako na, pero sabi niya regalo daw niya, wag tayong tumatanggi sa blessings yan ang natutunan ko kasi yan ang way nila to share their blessings at para lalo sila maBlessed kaya sabi ko buti NAIHABOL kasi 2 days na lang kasal ko na, di ko kailangan magpaliwanag sa inyo, pero gusto ko lang sabhin na tulad ninyo tao din kami, nasasaktan sa panghuhusga ninyo, masakit pero siguro nga kailangan tanggapin dahil nasa industriya ako, pero wag kayong ganun, di niyo alam ang mga kwento kaya wag kayong manghusga..

"saksi ang aking mga kaibigan na sina @pernellagonzaga at @kelly.harris_ kung gaano ako inalagaan ni kath para gumanda ako sa mismong kasal ko, siya ang nag detalye ng Gown ko at talagang sinama ni si @janaranilla para icheck lahat kung okay sa akin, salamat sa time and effort Ga, humabol pa yan para lang makita niya kung fit sa akin at maganda sa akin kaya MY GA @bernardokath 

"Thank you for everything, salamat sa mabuti mong PUSO, di ko makakalimutan ang regalo mo at kung di dahil sayo, baka wala akong maisuot..

"Mahal kita kayo ni Bal.. #ManalonasiGa #benly"

[ArticleReco:{"articles":["155878","149226","148331","142968"], "widget":"Hot Stories"}]

Post a Comment

0 Comments