Kalaboso ang isang 72-anyos na Briton nang ipaaresto ng kanyang misis na Pilipina matapos niya itong gawing punching bag, kamakailan sa Sta. Fe, Bantayan, Cebu.
Ngayong linggo inaresto ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang suspek na si Charlton William Sydney sa isang beach resort sa nabanggit na lugar.
Sanhi nito, kinansela ng BI ang permanent resident visa ng dayuhan na nakuha nito nang pakasalan ang Pinay na hindi na binanggit ang pangalan.
Nabatid na pinawalang-bisa ang permanent visa ng Briton noong nakalipas na taon matapos ireklamo ng Pinay ng pang-aabusong pisikal, psychological, at emosyonal.
Nais umano ng misis na mai-deport na si Sydney sa bansa nito. (Juliet de Loza-Cudia)
The post Pinay ginawang punching bag ng Briton first appeared on Abante Tonite.
0 Comments