Mga Pinoy mahilig sa segunda mano

Lumabas sa isang pag-aaral na mahilig ang mga Pilipino na bumili ng mga secondhand na gamit.

Batay sa Carousell Recommerce Index (2021), Pilipinas ang “most receptive market” sa mga secondhand na gamit sa Greater Southeast Asia region.

Nasa 58% ng mga Filipino online shopper ang mas gustong bumili ng secondhand na gamit habang 75% ng mga tindero ang nagbebenta ng mga secondhand apparel.

Natuklasan ito mula sa mga brand ng Carousell Group (Carousell, Mudah.my, Cho Tot at OneKyat) sa walong merkado sa Southeast Asia: Hong Kong, Indonesia, Malaysia, Myanmar, Pilipinas, Singapore, Taiwan at Vietnam, sakop ang mahigit 3,000 buyer at seller.

Nasa 92% ng mga mamimili sa Pilipinas ang nagsabing bumili sila ng mga secondhand item, kabilang ang unused at brand-new item. (Issa Santiago)

The post Mga Pinoy mahilig sa segunda mano first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments