Todong face-to-face class pagbaba na ni Duterte

Posibleng ang susunod na adminis­trasyon na ang magbukas ng face-to-face classes sa lahat ng antas pero ngayon pa lamang ay dapat ginagawa na umano ng Department of Education (DepEd) ang ‘class reopening playbook’ na magagamit ng mananalong pangu­lo.

Ayon kay House Committee on Ways and Means chairperson at Albay Rep. Joey Salceda hindi maaari na ‘back to zero’ ang susunod na administrasyon kung ano ang gagawin nito.

“I think we will have schools fully open by August or September. That’s the next administration’s concern already, but preparations have to be done during this administration,” sabi ni Salceda.

Pinuri naman ni Salceda ang DepEd sa matagumpay nitong pagsasagawa ng pilot face-to-face classes. (Billy Begas)

The post Todong face-to-face class pagbaba na ni Duterte first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments