Van bumulusok sa bangin, 1 kritikal

Trese katao, kasama ang isang nasa kritikal na kondisyon, ang apektado matapos mahulog sa bangin ang kanilang sinasakyang van sa Tabuk City, Kalinga nitong Martes.

Ayon kay Tabuk City Police Station (TCPS) information officer P/Staff Master Sgt. Ford Wassig, ang mga biktima ay isinugod sa Cagayan Valley Memorial Clinic sa Tuguegarao City.

Samantala, nasa ICU ang isa sa mga biktima na si Julie Ann Banggawan, na nagtamo ng serious injury sa kanyang pelvic bone at nagkaroon ng internal bleeding.

Sa paunang report ng TCPS, galing sa isang resort at pauwi ang mga biktima sa poblacion ng Tabuk City nang mangyari ang aksidente.

Ayon sa isang pasahero, mabilis ang takbo ng sasakyan sa blind curve sa Brgy. Nambaran hanggang sa mawalan ng kontrol sa manibela ang driver at mahulog ang kotse sa 20 metrong lalim na bangin.

Agad na sumaklolo ang rescue team ng Tabuk City at naiangat lahat ng biktima. Sa kabutihang-palad, walang namatay sa mga ito. (Allan Bergonia)

The post Van bumulusok sa bangin, 1 kritikal first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments