Pinaimbestigahan ng Department of Justice (DOJ) sa Bureau of Corrections (BuCor) ang panayam kay retired Philippine Army general Jovito Palparan sa loob ng New Bilibid Prison sa Muntinlupa City.
Ayon kay Justice Undersecretary Adrian Sugay, walang natanggap na request for permission para sa media interview ang huwes na naglitis at nagbaba ng hatol sa kaso ni Palparan.
Inatasan aniya ni Justice Secretary Menardo Guevarra ang BuCor na imbestigahan ang insidente para matukoy kung anong mga paglabag ang nangyari.
Nabatid na noong Miyerkoles nakapanayam ng SMNI network sa pamamagitan ni National Task Force to End Local Armed Conflicts (NTF-ELCAC) spokesperson Lorraine Badoy si Palparan na ikinagalit ng mga kaanak ng mga biktima nito.
Nabatid na kung may pagkakamali dito, maaari umanong kasuhan ang mga opisyal ng pamahalaan. Sa kaso ni Badoy, maaaring dalhin ang usapin sa tamang korte o sa Office of the Ombudsman.
Nakulong si Palparan matapos na sangkot sa pagkawala ng dalawang estudyante ng University of the Philippines noong 2006. (Juliet de Loza-Cudia)
The post Palparan yari sa SMNI interview first appeared on Abante Tonite.
0 Comments