Matumal ang mga nagpapa-second booster shot sa kabila ng paulit-ulit na panawagan ng gobyerno para sa dagdag na proteksiyon laban sa COVID-19.
Ito ang inihayag sa Laging Handa public briefing kahapon ni Department of Health (DOH) Undersecretary Maria Rosario Vergeire kaugnay sa sitwasyon ng vaccination rollout ng gobyerno laban sa coronavirus.
Ayon kay Vergeire, kakaunti pa lamang ang mga health worker, senior citizen at may sakit na nagpabakuna simula ng buksan ang second booster para sa mga ito.
Mababang-mababa pa aniya ang bilang ng mga nagpa-second booster shot sa mga pinayagang makatanggap nito kaya nakalulungkot dahil nananatili pa rin ang banta ng COVID sa bansa.
“Medyo mabagal pa rin. Ever since we’ve started, we have just covered for our health care workers 189,000 plus; for our senior citizens, only around 290,000 plus; and for those with immunocompromised conditions, around 946,” ani Vergeire.
Pero sa kabila nito, sinabi ng opisyal na dodoblehin nila ang pagkilos la para mabigyan ng pangalawang booster shot ang mga dapat na makatanggap na nito upang iwas peligro sa COVID.
The post Second booster nilangaw – DOH first appeared on Abante Tonite.
0 Comments