Hindi na kailangan pa sumailalim ang mga flight at cabin crew member sa mandatory quarantine bilang bahagi ng updated na health and safety protocol laban sa COVID-19.
Inanunsiyo ito ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) sa kanilang Facebook nitong Huwebes.
Subalit nilinaw din ng CAAP na sa ilalim ng Memorandum Circular 024-2022, kailangan din ng mga flight personnel na mag-self monitor para sa anumang sintomas ng coronavirus.
Kailangan din magbigay ng medical assessment ang mga air operator sa kanilang mga flight at cabin crew member na posibleng tamaan ng COVID-19 alinsunod sa mga polisiyang ipinatutupad ng pamahalaan.
May petsang Setyembre 6 ang memorandum na nilagdaan ni CAAP acting director general Capt. Manuel Antonio Tamayo. (Betchai Julian)
The post Quarantine ng mga airline crew tinanggal first appeared on Abante Tonite.
0 Comments