Dalagita hinalay ng ka-bro

Himas rehas ngayon ang isang lalaki na sinasabing miyembro ng Iglesia ni Cristo (INC) nang molestiyahin ang dalagita na umano’y kapatid nito sa pananampalataya sa Quezon City, Martes ng umaga.

Ang suspek na si alyas “Jun”, 38, ng Galas, Quezon City, ay naaresto nina PSSg Joseph Sumilang at PCpl Junie Laluan ng Galas Police Station (PS-11) ng Quezon City Police District (QCPD).

Sa inisyal na imbestigasyon ni Pat Ronabel E Ylanan, ng District Women and Children Concern Section (DWCCS), alas-9:20 ng umaga (October 18), nang maganap ang insidente sa tahanan ng biktima.

Nag-message umano ang suspek sa 16-anyos na dalagita na bibisitahin niya ito sa kanilang tahanan.

Pagdating ng suspek sa tahanan ng biktima at malamang mag-isa lang ito sa bahay ay isinagawa umano ang pangmomolestiya.

Sa takot ng dalagita ay hindi ito nakapanlaban. Nang makaraos at pag-alis ng suspek ay agad na nagsumbong sa mga awtoridad ang biktima. (Dolly B. Cabreza)

The post Dalagita hinalay ng ka-bro first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments