Bucor chief Catapang bubusalan mga NBP preso

Target ng Bureau of Corrections (BuCor) na putulin lahat ng linya ng komunikasyon sa loob ng New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa, ayon kay Department of Justice (DOJ) Secretary Jesus Crispin Remulla.

“Lahat ng correction institutions sa buong mundo, bawal talaga ang telepono. Sa Pilipinas lang nakakalusot `yan eh,” pahayag ni Remulla sa isang panayam nitong Huwebes.

“Kaya ngayon, meron kaming wino-work out na plano ni General Catapang tungkol dito at you will see it within the next 30 days. Meron kaming pinaplano na i-implement dito para nga sa communication sa loob,” dagdag ng kalihim.

Matatandaang ang dating Armed Forces of the Philippines (AFP) chief of staff na si retired Gen. Gregorio Catapang Jr. ang ipinalit bilang BuCor director general matapos na ipag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kay Remulla na suspendihin si Gerald Bantag.

Nabatid pa na inalis na umano ang mga computer, WiFi hotspot at telepono sa loob ng NBP.(Issa Santiago)

The post Bucor chief Catapang bubusalan mga NBP preso first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments