BBM binisita pabahay sa Pampanga

Personal na ininspeksyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Pambansang Pabahay Para sa Pilipino Housing (4PH) Program sa San Fernando City, Pampanga nitong Lunes ng umaga, Hulyo 3.

Pinangangasiwaan ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) ang naturang pabahay na itinatayo sa 9.8 ektaryang lupain na kapapalooban ng 27 gusali na may katumbas na 8,000 housing unit.

“Marami na po tayong groundbreaking ceremonies na nasimulan. Ang site inspection na ito ay parte lamang ng proseso upang matiyak natin na maitayo ang mga pambansang pabahay para sa mga Pilipino,” wika ni Pangulong Marcos sa kanyang talumpati.

Tatawaging Crystal Peak Estates ang pabahay project sa San Fernando City na maaaring tirahan ng 10,000 pamilya.

Layon ng 4PH program ng administrasyon ni Pangulong Marcos na matugunan ang 6.5 milyong backlog sa problema ng pabahay sa bansa. (Aileen Taliping)

The post BBM binisita pabahay sa Pampanga first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments