PSC dehins pinabayaan mga Kanong atleta-estudyante

Malugod na tinanggap at mabuting inalaagan ng Philippine Sports Commission (PSC) ang isang grupo ng mga estudyante-atleta ng VOLeaders Academy ng University of Tennesee na nasa isang International Service Immersion Experience.

Misyon ng grupo na magdala ng positibong epekto sa kanilang pag-aaral at maging bahagi ng campus, lokal at maging sa mga pandaigdigang institusyon ng isports sa hinaharap

Sina PSC Chairman Richard ‘Dickie’ Bachmann, at Commissioners Walter ‘Wawit’ Torres at Matthew ‘Fritz’ Gaston ang mga nagbukas ng orientation session na giniit ang “manatiling bukas ang kaisipan” at tinalakay ang mga pasilidad sa loob ng Rizal Memorial Sports Complex sa Malate, Manila Lunes.

Ipinahayag ni Bachmann na kasagsagang pag-aayos nila sa RMSC upang maging bago at makasunod sa panahon, habang pinapanatili ang itsura upang parangalan ang makasaysayang mga nakaraan nito.

Binati ni Commissioner Torres ang student-athlete organization sa pagsasama sa kanilang akademikong programa ang pagsasanay at pag-unlad ng pamumuno. “Leadership and character are not by chance, it has to be intentionally taught,” aniya. (Abante TONITE Sports)

The post PSC dehins pinabayaan mga Kanong atleta-estudyante first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments