DBM inaareglo na 2021 performance bonus ng mga guro

Nangako si Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah Pangandaman na hahanapan ng solusyon ang problema sa hindi pa nailalabas na performance-based bonus (PBB) ng mga guro noong 2021.

Sabi ni Pangandaman, inutusan na niya ang mga bureau at tanggapan na siguruhing hindi na maantala ang paglabas ng performance-based bonus sa mga guro.

Makikipag-ugnayan aniya ang DBM sa Department of Education (DepEd) upang makumpleto ang requirements at maibigay ang bonus sa lalong madaling panahon.

Nabatid na nakapaglabas na ang DBM ng Special Allotment Release Order (SARO) at Notice of Cash Allocation sa DepEd ng P950.942 milyon bilang paunang bayad sa 2021 PBB ng mga DepEd personnel sa National Capital Region noong Hunyo 27, 2023.

Samantala, nakabitin pa ang PBB ng mga guro mula sa 15 rehiyon sa bansa dahil sa mga natuklasang problema ng mga dokumento tulad ng duplicate entries at pangalan ng mga personnel na wala sa Personal Services Itemization and Plantilla of Personnel (PSIPOP).

“Once we are provided with the complete requirements, we will ensure that the PBBs will be released as soon as possible,” ani Pangandaman. (Aileen Taliping/Eileen Mencias)

The post DBM inaareglo na 2021 performance bonus ng mga guro first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments