Matinong serbisyo bago taas-pasahe sa LRT

Pinapapreno ni National Unity Party president at Camarines Sur Rep. LRay Villafuerte ang nakatakdang pagtataas ng pasahe sa Light Rail Transit Line 1 at 2.

Para kay Villafuerte ay hindi katanggap-tanggap ang pahayag ng mga opisyal ng Department of Transportation (DOTr) na dapat itaas ang pamasahe para gumanda ang serbisyo sa mga pasahero.

“Sabi nila, itataas raw ‘yan (fares) para mas lalong ma-maintain ang serbisyo sa train lines. Eh ako naman kasi, sabi ko, sana pagandahin n’yo muna bago i-increase ang pamasahe,” sabi ni Villafuerte.

“So palagay ko naman na puwede naman pong i-consider ito na i-defer na muna iyon at hanapan ng pondo… ang point ko lang, sana huwag nilang sasabihin na kailangan ang increase dahil matagal nang hindi nag-increase. Pagandahin muna nila ‘yung serbisyo saka na lang siguro tayo mag-increase. I mean, iyan lang po ang apela natin,” dagdag pa ng solon.

Ang minimum boarding fee sa LRT 1 at 2 ay itataas sa P13.29 mula sa P11 at may dagdag na P1.21 kada kilometro ng biyahe mula sa P1 kada kilometro. Sa Agosto 2 ipatutupad ang pagtataas.

“Sa August 2 pa naman, baka sakaling ma-consider pa na ‘wag na munang i-increase,” sabi ng mambabatas.

Sinabi naman ng Metro Rail Transit 3 na maghahain ito ng petisyon upang makapagtaas rin ng singil. (Billy Begas)

See Related Stories:

Bautista binoldyak ni Poe sa LRT taas-pasahe

Mga LRTA exec sinampolan sa Ombudsman

The post Matinong serbisyo bago taas-pasahe sa LRT first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments